Kabanata 37

6 4 0
                                    

Jm's POV

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko, mas napahagulgol pa ako ng umalis siya. Nasaktan ko siya alam kong sobrang nasasaktan ko siya. Pero Hindi niya ako masisisi, takot ako sobrang natatakot ako sa pwedeng mangyare.

" Jm naman!" Ate Nika said and cry. " Alam mo bang sobrang nag aalala sayo yong tao? Alam mo bang halos hindi siya makakilos ng maayos nong tulog ka? Bunso naman eh! Akala ko ba mahal mo at may tiwala ka sa kanya bakit ngayon parang wala kang tiwala sa kanya?"

" A-ate n-natatakot ako! Pano kong iwan niya lang din ako?"

" Jm di magagawa ng kapatid ko yon sayo alam mo yan! Gusto Kong magalit sayo sa ginawa mo sa kapatid ko pero hindi ko magawa alam mo ba kung gano ka kamahal ng kapatid ko? Sana man lang nagtiwala ka sa kanya kahit isang beses lang! Kahit dito lang, para naman napakita niya kung gano ka niya kamahal!"

" Jm pag isipan mong mabuti para sayo yong gustong mangyare ni Jk! Takot din siya alam mo ba yon, pero kung ano yong makakabuti para sayo yon yong gusto niyang gawin! Hindi mo ba narinig yong isapan nila ng doctor na nagpunta dito? He wants to have a different choice than bringing you to the hospital, pero wala na siyang choice Jm! Alam mo ba kung gano kahirap sa kanya yon? Oo nahihirapan ako, kanina pa ako umiiyak natatakot sa pwedeng mangyare! Pero siya Jm siya lang yong bukod tanging humarap sa doctor para sayo! Kahit takot siya sa malalaman niya ginawa parin niya para sayo!"

Sa mga narinig ko ay mas lalo akong  napaiyak. Bakit hindi ko muna inalam yon bago ako nagsalita sa kanya ng ganon. Nasaktan ko siya sobrang nasaktan ko siya.

" Alalahanin mo Jm, alam kong kilala siya ng puso mo kaya pilitin mong maalala! Gugustohin mo bang maulit ang isa pang nakaraan bago mo siya tuloyang ilaban? Gumising ka sa katutuhanan Jm, pilitin mong maging tama ang dati pang hindi tugma!"

" Anong sinasabi mo ate? Nagugulohan ako, hindi ko maintindihan! Nahihirapan na ko!" Sabi ko at umiyak pang lalo

" Hindi ako ang magpapaintindi sayo Jm, Ikaw ang kusang makakaalam ng nakaraan na tinago ng libong taon. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa mula noon hanggang ngayon!"

Pagkasabi ni ate non ay lumabas na sila ng kwarto. Mas lalong bumigat ang puso ko sa mga sinabi ni ate, anong ibig niyang sabihin. Bakit parang ang lalim ng pinanggagalingan ng mga salita niya. Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan si Jk, nasaktan ko siya kaya dapat lang na ako ang unang makipag ayos sa kanya. I dialed his number and after a few ring he answered.

" Kung sasabihin mo na naman na mapapagod ako tama na kasi sobrang nasak-"

" Come back here please! Mahal let us talk again I'm sorry! Alam ko nasaktan kita natakot lang naman ako eh! Sorry please umuwi ka na dito! Please ayosin natin to, I'm sorry I'm really sorry Mahal ko!" Sabi ko habang patuloy na umiiyak tahimik lang si Jk sa kabilang linya habang nagpapatuloy ako sa pagsasalita. " Hindi ko naisip na masasaktan kita and I'm sorry about that naging selfish ako sa part na yon kanina and I really admit na mali ako! But please Mahal ayokong mawala ka sakin bumalik ka na dito and let's talk! Promise papayag na ako na pumunta tayo sa hospital basta bumalik ka lang po sakin please!"

" Calm down, babalik na ko but your promise pupunta tayo sa hospital after we talk!"

" Opo Mahal ko papayag na ko Basta umuwi ka na!"

" I will so calm down and wait me there I love you so much Mahal ko!"

" I love you too! Mag ingat ka!"

" I will Mahal!"

After non ay binaba na niya ang tawag, pilit kong kinakalma ang sarili ko habang hinihintay siya.

" I'm sorry Mahal, sobrang sorry na nasaktan kita!"

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon