Kabanata 65

9 2 2
                                    

Jm's POV

I'm looking at them one by one, it's hurt seeing them like this. Para akong paulit ulit na dinudurog habang nakikita lumuluha sila dahil sakin. Ang sakit makitang nasasaktan sila dahil sakin pero pagod na ko, ramdam ko na ang unti unting pagkaubos ng lakas ko.

" Magpahinga ka na lang muna Mahal! Magiging ok ka lang diba? Pahinga lang ang kaylangan mo!" Sabi ni Jk habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

" I-I wanna s-spend my last b-breath with you! Kaya hayaan mong titigan lamang kita ngayon!" Sabi ko sa nanghihinang boses

" No stop saying that! Jm naman please wag mong sabihin yan!" He begs and cry more.

" M-mahal ano ka ba! H-hindi na ako t-tatagal kaya tanggapin mo na yon! Tanggapin niyo na yon!" Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanila

Tumalikod si ate Nika sa akin at alam ko at nararamdaman kong sobrang nahihirapan din siya.

" R-remember our promises? Natupad ma yon nagkita ulit tayo ngayon! B-but please, please don't ask for another life to try this love again! I b-beg you Jk, masasaktan at masasaktan lang tayo kaya t-tama na to! T-tama na ang dalawang ulit na pinilit nating pagtugmain ang hindi naman kaylan man magtutugma!" Sabi ko at muli ay nag unahan ang mga luha naming kanina pa kumakawala.

" B-bakit mo sinasabi yan! Pagod ka oo pero ako ba inisip mo? Inisip mo man lang ba ako? Ako na kinalimutan mo! Oo nga't naaalala mo na ako ngayon pero sa gantong paraan naman alam mo ba kung gano kasakit yon?"

Napahagulgol na lamang kaming apat, mahirap man pero kaylangan na naming taposin kung ano man ang aming pinipilit. Dahil paulit ulit lang kaming mapapagod at masasaktan kung patuloy naming ipipilit ang bawal naman.

" M-masaya ako na nakilala ko kayo, at naging parte ng buhay ko sa pangalawang pagkakataon! M-mangako kayong magiging masaya kayo pag alis ko! Ipangako niyo din na huli na ito na muling magtatagpo tayo! T-tama na ang d-dalawang siglong nahihirapan tayo."

" Bakit mo to ginagawa sakin Jm bakit?" Sambit ni Jk na patuloy parin lumuluha.

" M-mahal na mahal kita lagi mo yang tatandaan!" Sambit ko

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko, maging ang pangangapos ng hininga ko'y lumalala na. Alam kong sandaling oras na lamang at sila'y iiwan ko na.

" Gusto ko ng mahiga, maari mo ba akong tulongan?" Tanong ko kay Jk

Agad naman niya akong tinulongan, nangmaihiga na niya ako ng maayos ay hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay.

" Lumaban ka pa! Nagmamakaawa ako sayo hindi ko pa kaya! Alam kong nahihirapan ka na pero hindi pa ako handa Jm!"

Inabot ko ang kanyang mukha at  pinilit kayaning punasan ang mga luhang patuloy na naglalandas doon.

" P-pagod na ako, ayoko mang iwan ka! N-ngunit hindi na kaya ng katawan ko! Tandaan mong mahal k-kita at palagi kitang m-mamahalin kahit wala na a-ako sa tabi mo! I-ipangako mong m-magiging masaya ka yon lamang ang hangad ko ang maging maligaya ka! " Mga huling katagang binitawan ko bago unti unting pumikit ang mga mata ko

" Patawarin mo ako Jk! Salamat sa pangalawang pagkakataon na ika'y nakasama ko!"

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon