About the Book
This is almost my life story.
And this book is written especially for YOU. Oo, IKAW na nagbibingibingihan, ikaw na walang malay at ikaw na mahilig magdeny. Choss lang po. Diary ko po to balak ko lang magkwento ng kung anu-ano.
Naglalaman po to ng iba't ibang adventures na pwedeng pinagdaanan mo, ko, niya, nila, na nakakatawa (pwede ding hindi.lol) o nakakaaliw. Depende po iyon sa inyong pananaw.
Sabihin na lang natin na medyo exaggerated ang pagkakakwento dahil layunin nitong libangin ang mga mambabasa. Lalong-lalo na yung mga previous events kasi hindi naman ganun ka-photographic yung memory ko diba? Pero yung mga recent events po detailed talaga yun. As is. Random yung thoughts ko kasi magulo ako mag-isip, kung ano lang maalala kong mga nakakatawa malamang yun yung malalagay ko agad. Kaya hindi ito gradual na from birth to present po, please bear na lang.
Magbibigay po ako ng mga advices, learning experiences at kung anu-ano pang information na maaring makatulong sa inyo. At the end of every Chapter, meron po kayong moral lessons at homeworks na depende din sa inyo kung sasang-ayunan o sasagutin niyo.
Susubukan ko pong maka pulot kayo ng aral sa bawat Chapter at depende din po sa inyo kung pupulutin niyo o hindi. Kung oo, salamat. Kung hindi, okay lang. O pulutin niyo man at ibulsa. O tapon niyo sa kanal. Walang kaso. Buhay mo yan at buhay ko din to kaya patas lang tayo. XD
Naniniwala akong, there is no such thing as good girls or boys. They are just girls and boys who hasn't been caught yet. Kaya tama din ang saying na there is no such thing as lesser evil. Hindi po ba?
Bawat isa sa atin ay may curious nerves. Basta ganun. Tinatamad akong mag-explain further, pakitanong si mudra mo baka gets niya ang ka-weirduhan ng utak ko. O maghanap ka ng translator mo, wag ka muna magulo okay? Curiousity is sometimes the reason why a person do foolishness. Ang importante, may natututunan siya dahil dun.
Weirdo ka rin. Period yan kasi sure ako. Aminin mo, minsan may taong wala naman siyang ginagawa sayo pero hindi mo alam bakit ang bigat ng dugo mo. Hindi mo siya feel. Pero okay naman daw siya sabi ng iba. May sira ka na kasi, magpatingin ka na daw! Jokes. Haha. Nangyari na sakin yan eh. Yung tipong, kung blackboard lang siguro itsura neto, sarap burahin, yung ganun? Ay teka, chalk pala dapat, hindi pala nabubura ang blackboard, syet. At syet ulit, tinatamad akong mag-edit. Hahahahaha!
Alam kong naranasan mo na din yun. Kung wala pa eh di ikaw na ang normal! Kailan pa?! Kahiya naman sayo na-B-BI ka dito. Sige, umalis ka na. Bago pa madungisan ang pagkalinis-linis mong kalooban, salbahin mo habang may oras pa. -_-'
Kung hindi man po kayo minsan makarelate sa mga pinagsasabi ko, pasensya. Dala lang po yun ng makulit kong imahinasyon. Pwede po itong magsilbing expression board niyo. Sige lang. Sabihin niyo gusto niyong sabihin. Lahat tayo may sayad dito. Halata naman ang sayad ang may-akda diba? Kaya sige, magkalat na magkalat ka lang, gusto ko yan. Nakakatuwa kaya yung maiingay na readers. Ginaganahan akong mag-UD. Seryoso.
Lahat ng mga tanong niyo: Comments, message sa MB o PM, sasagutin ko po yun. Lahat po ng nakanotif sakin sinasagot ko po as much as possible. Kaya kung tingin niyo hindi ko kayo nareplyan. Pwede niyo po akong iPM. Pag-usapan natin ng mahinahon yan. Hindi ako snob ah! Kala mo lang yun. Madami ang namamatay sa maling akala. Kaya nga namatay si Rizal diba? Kasi akala niya magkaka-LBM yung papatay sa kanya sa Luneta. Tuloy binaril siya. Nainis kasi yung tinamaan eh, hindi naman daw LBM yun. Chismis lang naman daw yun. Haha. Joke Lolo Jose! ^^
BINABASA MO ANG
Ma Vie
CasualeContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved