Chapter 7: Freaks in the City Part 1

1.6K 41 95
                                    

 A good friend helps you up when you fall. A best friend pees their pants laughing, trips you again, and calls you an asshole.

-Cursingfaeri (Umi-epal na naman. Hahaha)

 *****

"Ren! Dali lang guid! Hinay lang please!" tawag ko dito.

Translation: "Ren! Sandali lang! Huwag kang magmadali!"

"Ah hindi ko ya! Kinanglan ya na guid mabal-an! Bahala na da!" sabi ni Ren at tumakbo ng matulin.

Translation: "Ah ayoko! Kailangan na niyang malaman! Bahala na!"

Nasaan kami ngayon? Nasa NAIA Terminal 1 lang naman. At kasalukuyan ko siyang hinahabol habang tumatakbo papunta sa Immigration window. Ayaw paawat ng potek. Bahala siya. Sumasakit na din ang mga paa ko sa kakatakbo baka mauna pa akong bumigay dito.

Nakita ko siyang palinga-linga sa kakahanap. Inisa-isa nito ang mga window counter. Ang haba ng linya. At dahil maliit ay madali itong makakalusot. Tila hindi ito napansin ng guard. Pwede kasi itong pumasang bata. Yun nga lang, nakaduster ito ngayon. Hindi pa gaanong halata ang maumbok na tiyan na pwede pang isiping beer belly lang. Halatang galing din ito sa pag-iyak. Disaster face. Yun ang itsura nito. Mukang ewan in short.

Nakita kong huminto ito sa isang window at sinabing:

"Kelvin! Gabusong ako! Anum na ni kabulan! Hambal sang doctor cesarian ni kuno, gai ko 60 thousand! Gusto mo guid ya nga kadtuan ka di noh?! Gusto ko ma lang ma-istorya ka subong ngaa hindi ka guid aw?! Budlay guid na aw? Isa ka adlaw nga absent para sa bata mo, budlay? Budlay?" si Ren habang umiiyak. Pakumpas-kumpas pa ng kamay nito.

Translation: "Kelvin! Buntis ako! Anim na buwan na to! Sabi ng doctor cesarian daw to. Bigyan mo ko ng 60 thousand! Gusto mo talaga na puntahan ka dito no?! Gusto lang naman kita makausap ngayon ah bakit ayaw mo?! Mahirap ba yun? Isang araw na absent para sa anak mo, mahirap? Mahirap?"

Nagsimula ang kumosyon. Madaming tao ang nakiusyoso. At dahil madami din ang hindi nakakaintindi ng sinabi ni Ren. Umingay. Halos puro foreigners ang nandun. Madami ang nahabag sa sitwasyon nito na halos nagegets na lang dahil sa itsura nito. Nakita ko si Kelvin na parang estatwa. Nakatingin lang na parang ewan. Nagpasya na akong puntahan si Ren.

"Kelvs, sorry guid ya. Gintry ko siya pungga pero hinawa lang ko kapugong," sabi ko kay Kelvin.

Translation: "Kelvs, sorry talaga. Tinatry ko siyang pigilan pero ayaw talaga, nahirapan lang ako."

Si Kelvin. Dumbfounded. Nakita na lang namin siyang natumba at nawalan ng malay.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"Laughtrip yun! Apir!" Sabi ko kay Ren sa kabilang linya.

"Apir!" Sabi din nitong halos tawa na lang ang naririnig.

Wagas talaga ang tawa namin ni Ren. Pinagpaplanuhan kasi namin kung paano namin maaaya si Kelvin sa Enchanted Kingdom sa Sunday. Kaso may trabaho ito at Tuesday pa ang off. Kamusta naman yun eh hanggang Monday nga lang si Ren dba?! Asar na asar kami. Ayaw man lang umabsent. Grr. Kainis. Dapat kasi talaga siyang sumama. Alam namin na malaki sweldo nito at balak namin magpalibre. Hehehehehehe!

Natawa na naman ako ng maalala ko yung pinag-usapan namin kahapon. Napatingin tuloy si Mamang Drayber sakin. Akala siguro nito baliw ako.

So? Hahahaha.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon