Chapter 16: Facts Promotions and What not

1.1K 38 35
                                    

"Nobody else knew who you really are except yourself. So you might as well believe that you have what it takes to be someone you ought to be."

-Yours truly (random thoughts ni Ateng epal.haha)







FACTS and ANNOUNCEMENTS:



First, pinopromote ko yung bagong story ko. NYORK. Tss. Nakakatawa talaga ang title pero spur of the moment eh, so voila! Not Your Ordinary Rich Kid. Humor, Teen-Fiction Category.



Spoiler ba?



Here's the clue: Titigan niyong mabuti ang cover. Titigan niyo. Then, figure out. HAHAHAHA.



Here's the link: http://www.wattpad.com/story/5995686-chapter-1-a-dose-of-his-mischief



Pwede ding i-click niyo na lang ang external link para ma-direct sa story. :)





Secondly, may POV na si Mason. Underconstruction. Alam ko namang atat na ata na kayo sa iniisip non. Bisitahin niyo ang FAD ni hunnydew. From a Distance. Isang mabusising conference ang nangyari kagabi hanggang alas kwatro pasado ng madaling araw. Pahirapan talaga si Mason. Hirap arukin ng utak. Kaya nagsettle kami sa third person's POV. Again, titigang mabuti ang cover. HAHAHAHA.





Thirdly, ang Chapter 27 ng Miss Astig ay isang malaking spoiler. Actually mahaba dapat yon pero sa 28 na ang continuation. Pagtinopak ako, post ko mamayang gabi o bukas ng umaga. Datapwat ay included yan sa ipapasa kong manuscipt. Yung mangyayari after ng college days ni Louie. Excited nga ako non mag-author's note na ipo-promote ko ang pagbili niyo ng libro ko kaso, hindi talaga meant to be siguro. Opo. May offer ako pero hindi ko pa natututukan. Busy kasi talaga. Sinisingit ko na nga lang ang paggala na hindi ko na masyadong nagagawa dahil wala din namang panggala. Hahaha. Pero dahil napamahal na kayo sakin, at ang Miss Astig itself, hindi ko na siya ipapasa. Pero pangarap kong maging isang makapal na libro siya someday. Libre namang mangarap di ba? (^___^) Mga dalawang chapters na lang sana pwede ko na yong ipasa kaso nagbago ang isip ko. Ayun. Better luck next time. :)





Fourth, mas pagtutuunan ko ng pansin ang ongoings na Miss Astig at NYORK. Ibig sabihin, ito ang mas may mabilis na UDs compared sa ibang stories ko, sa kadahilanang, kayo na din ang bahalang humusga at magtagni-tagni ng kwento. :)





Few reminders:



1. Kung gusto niyo ng magandang update lagi, inspire the author of the story.



Here's how:



1.1 Kung hindi sa makabuluhan at taos pusong comments, simpleng pagvote lamang ay enough nang magpasaya sa kanila. It's nice for them to know that there are people who appreciates their hardwork.



1.2 Some author's, such as myself ay natutuwa sa mga readers na mabusising magmatyag sa flow ng kwento. May it be positive or negative. Minsan, binabase ko din ang updates sa nararamdaman ng nakararami. Pero hindi ko naman sinusunod talaga ang gustong mangyari ng readers lalo't may timeline na ako ng kwento. But, I give due consideration at pinag-iisipang mabuti ang lahat ng comments sa story. Tumutulong din yon para magbigay liwanag at mas maging calculated ang updates at consistently connected ang mga pangyayari.



1.3 Kung isa ka sa mga silent readers at ayaw mong nabo-broadcast sa feeds ang username mo, pwede ka namang mag-PM sa author para ihayag ang mga hinaing mo sa story o sa istilo ng kanyang pagsusulat. Ang maramdaman ng author ang presensiya niyo ay isang malaking bagay na din sa kanila. Lalo kung kakaumpisa pa lamang ng kwento at ng author mismo. Nangangapa pa sa dilim.



2. The more you pressure the authors of your favorite stories, the less likely they will give you an update.



Lalong lalo na kung ang mababasa niya sa kaka-Update niyang kwento ay...



-UD



-UD NAAAAAA!



-UD NA PLS!



-ANG TAGAL MO NAMANG MAG-UD!



-PWEDE DALAS DALASAN MO NAMAN ANG UD?



Based from experience lahat yan. Ang ilan ay sa mga kakilala ko. Hahaha.



Believe me, kagandahang asal na lang pumipigil sa kanila, sa akin para huwag magmura pero nagtatampo din kami sa mga ganitong readers/commenters.



Huwag na huwag niyong sasabihing utang na loob pa ng writer na binabasa mo ang kwento nila, dahil alinman sa dalawa, ikaw na reader ang MAS nakikinabang.



*Nabawasan ba ng isang galon ang brain juices mo sa pag-isip ng magandang plot?

*Sumakit ba ang likod mo sa pagta-type ng updates?

*Halos kainin mo na ba ang reference books at dictionary mo para maging makatotohanan lang ang mga pangyayari sa kwento?

*Gumagastos ka ba ng internet para lang makapag-update dahil wala kayong internet sa bahay?



Ilan lang yan sa pinagdadaanan ng mga writers dito. At simple lang naman ang hinihingi nila. RESPECT. Kung hindi niyo man maibigay ang tinatawag na APPRECIATION.



Respeto na hindi lamang sa wattpad nabubuhay ang mga writers at katulad niyo ay may sariling buhay din sila. Nagtatrabaho, nag-aaral...at hindi lahat ng oras ay nilalaan para lamang sa pag-update ng story.



3. Matutong maghintay.



Alam niyo hindi naman kasi laging prepared ang update ng favorite authors niyo. Most of the time, nakakapagsulat lang sila because of the spur of the moment. Biglang na-inspire, may naalalang experience o magandang plot na babagay sa kwento, yung mga ganon. Kung ipe-pressure niyo sila, tingin mo nakatulong ka sa ikakaganda ng kwento? Malamang nakatulong ka nga. Nakatulong kang mawalan siya ng ganang i-update ang kwento. Na-gets po ba?





4. Walang kaso ang ma-excite. But make sure to tell it in a nice way.





Totoo. Simpleng banat niyo lang na...



'Ayeeee nakakakilig talaga! Can't wait for the next update!'

'Grabe ang galing niyo po Miss Author! Update na po kayo oh plsss!'

'I love you na po talaga Miss Author. Hindi ko na mahintay ang susunod na mangyayari!'



Simpleng demand na nga yan di ba? Pero mas mainam na yan kesa 'UD' lang talaga nakalagay. Nakakainsulto yon. Pag ganyan ba naman ng ganyan, kilig hanggang buto-buto ang mga authors sa inyo. Hahaha. And believe me, ang brain juices ng mga yan, umaapaw na sa excitement.





Apat sa magagaling na writers ng wattpad ang personal ko ng nakadaupang palad. Sina hunnydew, Wyngardium_Leviosa, LaceyErin at aKo_Narcisso. At ilang nakakausap hanggang madaling araw na bukod tangi ding gumawa ng kwento. Sina PrincezLheign, Jhaazz, endlesslaugh at iba pa...



This is not me, telling that they are great writers because they are my friends now, but me, saying what had transpired upon deeply knowing them in the long run.



Nabasa ko na ang ilan sa mga kwento nila bago ko pa man sila nakilala ng personal. Hindi man sila sing sikat ng mga kilalang tao dito sa Watty World, isa naman sila na nirerespeto kong tao base na din sa mga nabasa ko.



Para sa katulad kong madaling ma-bore, mapili at mahirap i-please, nahuli nila ang kiliti at interes ko. Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng mga kwentong wattpad in Taglish, lalung-lalo kapag on-going. Ito ay sa kadahilanang ayokong maimpluwensyahan ang sarili kong akda. Plagiarism has long been committed by many, and I never dreamed of becoming one of them.



Galit ako sa mahabang spacing, walang kamatayang sound effects, emoticons, at kung anu-ano pang hindi naman dapat nakalagay. Ang sakin lang kasi, kung gusto mong maging isang magaling na manunulat, hindi lang dapat maganda ang flow ng story mo. Maayos at pormal din ang pagkakagawa ng kwento.



Kaya para hindi ako mainis sa iba na walang respeto sa pagsusulat mas mainam ng wag basahin ng hindi magkasala di ba?



What you don't know doesn't hurt you, ika nga.



Oh pano? Hanggang dito muna tayo ha? :)



Ang moral lesson ay nasabi ko na halos sa taas kaya diretso tayo sa homework.







Homework:





1. Ano ang gusto niyo sa isang wattpad writer? Magbigay ng limang pang-uri at ipaliwanag.



2. Ano naman ang ayaw niyo sa kanila at bakit?



3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makakilala ng personal ang isang magaling na manunulat na nakilala mo sa wattpad, sino at bakit?



4. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging isang magaling na manunulat, anong genre ang papasukin mo at bakit?





PS: This Chapter is dedicated to MJ. Sayang, hindi masyadong funny ang Chapter na 'to. Pasensya na. Random thoughts kasi. Hihi. ^^

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon