"Procrastination is the thief of time, collar him."
― Charles Dickens, David Copperfield
Procrastination
Leaving things off until the very last minute, or completely blowing them off, regardless of the consequences.
Procrastination is knowing you have a really important paper due tomorrow, but you just can't find the motivation to do the work. It's already 3 am, and you still haven't done anything. Then you decide you're too tired and go to bed, figuring it won't be that bad to turn it in a day late. This situation can repeat itself many a time.
(above meaning derived straightly from urban dictionary)
Procrastination. Ito ang kakambal ng katamaran at matinding kalaban ng kasipagan. At kapag ginagawa mo ito-ang procrastination, o ang ugaling ipagpaliban ang dapat na ginagawa - ang tawag sayo ay procrastinator. Medyo maarte di ba? Pasosyal daw kasi kapag alam mo ang term na procrastinator, na dating sikat na Mañana Habit, na minana naman natin sa mga Espanyol dati na ibig sabihin ay, 'mamaya na'. Isang pasikat din na ugaling pinoy. Which I think eh hindi naman kagandahan kaya wala kang karapatang maging proud.
Alam ko namang lahat tayo ay may nananalaytay na procrastinator blood sa katawan. Huwag mo nang ikaila, kasi normal yan. Hindi ka pinanganak na perpekto. Pero hindi ibig sabihin nun, okay lang magkamali. There are some things na hindi talaga maiiwasan. Katulad nang saglit na pagpapaliban ng paggawa ng proyekto dahil sa kapaguran ng katawan at matinding antok, pag-absent sa meeting dahil sa matinding tawag ng kalikasan dala ng LBM kaya sayo ipinataw ang sandamakmak na gawain dahil akala nila ay nakipagdate ka lang at iyon lang ang iyong alibi. Buti nga sayo. Huehuehue.
Pero di nga, nagsisimula ang matinding karamdamang iyan sa mumunting bagay na hindi mo napapansin. Halimbawa na dito ay noong utusan ka ng iyong ina na hugasan ang pinggan pero humingi ka ng konting palugit dahil sa busy ka pa sa panonood ng telebisyon, o dahil naglalaro ka ng psp o katext mo ang iyong ka-ibigan. At sa totoo lang, kapag ito ay lumala, walang posibleng lunas dito kundi ang willingness mo na pagbalik sa sariling katinuan.
Isa akong ehemplo ng magaling na procrastinator. Alam ko, sakit ko na siya at hindi ko na iyon mawawala sa sistema ko. Pero kung konswelo mang masasabi, hindi naman sa lahat ng bagay ay procrastinator ako. Tanging sa pagpapaliban lang ng pag-aaral. Buong buhay kong pinagsisihan ang ugali kong iyan pero at least, masasabi ko namang...
MABAIT NAMAN AKO EH.
Weh di nga Diwata?! Hahahahaha.
Pasensya naman, ako po'y nangungulila na sa pagsusulat kaya sa Diary muna ako maglalabas ng aking mga kasalukuyang saloobin. Sa mga nag-aabang ng mga updates ng aking ibang akda, sabi ko nga, maghintay kayo. Procrastination is taking its toll hahahaha. Dejk. Kinokondisyon ko lang ang sarili ko sa exam, baka puro characters ng story ko ang masagot ko eh. Konting tiis lang po, isang linggo na lang, like swear. Hihi.
So anyway, balik tayo sa aking ala MMK short story, sana po ay ma-tats kayo hahahaha.
Pagkatapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob na tawagan si Ina. Nagpadagdag pa sa kabang naramdaman ko ang halos tatlong ulit ko na pagdial ng numero niya bago nito pinagpasyahang sagutin. Sa wakas.
"Ma! Ba't ang tagal mo namang sagutin?"
Kapal ko di ba? Ako pa talaga may ganang manumbat. Hahahaha.
"Ay sorry Ne. Binubunutan ko kasi ng ngipin si Shan..." hinging-paumanhin nito.
At siya talaga ang humingi ng paumanhin. Ako na talaga. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved