Chapter 11: Sibling Rivalry

1.2K 42 63
                                    

Siblings are the people we practice on, the people who teach us about fairness and cooperation and kindness and caring--quite often the hard way.

-Yours truly :)

Siguro madami ang maswerteng mga magkakapatid na magkaroon ng bestfriend sa katauhan ng kanilang mga kapatid kahit sabihin pa nating normal din ang pagkakaroon ng munting away minsan. Away-bati, ika nga. Part lang naman yan ng paggo-grow niyo. Sa murang edad siguro hindi mo pa masyado maiintindihan yan. Kahit anong explain sayo ng nanay mo at anong pasok sa kukute mo, makitid talaga ang utak natin pag bata pa tayo. Normal lang din yun kaya wag kang mabahala. Ako nga ngayon ko lang na-realize ang worth ng kapatid ko eh. Seryoso.

Leche. Gusto ko mag-English dahil hindi ko alam pano i-explain yung iba. Haha! Pero gusto ko din panindigan ang pagtatagalog. Hays.

Bakit nga ba nag-aaway ang magkapatid? Minsan daw may tinatawag na pagseselos at kompetisyon. Lalung lalo na kung may favoritism sa pamilya. May gifted, bibo, matalino, talented at nagkataon na hindi ka isa dun. Yung mga ganoong factor? Madami pa yan kaya lang tinatamad na naman ako. Hahahaha. Edit ko na lang to pag sinipag, diary ko naman to eh. Bleh. (^_^)

Dalawa lang naman kaming magkapatid. Mga five years yung gap namin ni Kuya. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga kami close ni Kuya dati. I HATE HIM. Halos isumpa ko siya nun. Ginawa niya din kasing living hell yung buhay ko nun.

Hindi kasi kami close dati. Kasi hindi naman kami lumaking magkasama. Nagkataon kasing magulo intindihin ang buhay ng parents ko noon. Maagang lumandi si Mudra. Hahaha. Seryoso. 19 lang siya ng nabuntis kay Kuya. Nag-aaral pa siya nun. Magkabatch sila ni Papa. Ewan ko pano sila nagkakilala eh magkaiba naman silang school. Pero naalala ko isang village lang pala sila nun. HAHAHA. Typical na probinsyana si Mudra na nainlab sa Manila Boy. Kaya lugi siya. Kasi nag-stop siya ng school. Si Papa tuloy pa rin. Napilitan si Mudra umuwi ng probinsya at doon pinanganak si Kuya. Nagbreak yata parents ko nun. Tapos nagkabalikan ng bumalik si Mama para ipagpatuloy yung pag-aaral. Tapos nagpakasal sila, at ako yung bunga after three years. Love child daw ako. Kaya siguro inis si Kuya sakin. Kasi ako lang nagdadala ng apelyido ni Papa. Inodopt kasi siya ng grandparents namin since di pa kasal parents namin nun. Hindi din kami lumaki magkasama. Sa probinsya siya while dito naman ako sa Manila, umuuwi lang kami tuwing bakasyon.

Four Years Old

"Ku- Kuya-"

"Hindi mo ko Kuya! Umalis ka nga!"

Grade 1

Tumatakbo ako papunta sa Grade Six room kasi hinahabol ako ng kaklase kong lalaki na nasampal ko dahil muntik na niya akong halikan. Badtrip. Dun niya nalaman na amasona ako at hindi kami talo. Jk. Hahaha.

"Susumbong ko kayo sa Kuya ko!" takbo ako ng takbo. Hingal ng hingal.

Pagdating sa classroom nila Kuya...

"Kuyaaaaaah! Si ano oh," basang basa ako sa pawis, hingal na hingal, papalapit na yung tatlong kaklase ko kasi may kasama siyang asungot.

"Jeff, kapatid mo oh?" sabi ng kaklase ni Kuya.

"Anong ginagawa mo dito?! Hindi ko kapatid yan! Bumalik ka sa classroom mo!"

Kaya nagsariling sikap na lang ako. Nagtago ako sa broombox. Hahahaha. Wala talagang pakialam sakin yun kahit tumulo pa dugo sa mata ko. Asa lang. Hahaha.

Grade 2

Sumakay kami sa pump boat kasama ang ilan sa mga kaedad din namin. Halos sampu din yata kami. Yung may-ari kasi ng pump boat na yun, German, pinasakay lang talaga kami kasi natuwa samin yung German. Naligo kaming magpipinsan sa dagat nun eh. Ayun, sobrang swerte namin kasi nasira yung pumb boat sa laot. Malayo layo din ang lalanguyin mo pagnagkataon. At dahil magagaling lumangoy ang mga bata dun sa probinsya, nagpanic sila at nagsitalon na. Sa pump boat may dalawang jug na pwede gawing salbabida. Nakatalon na lahat halos ng tao. Ako na lang at si Kuya yung natira. Ako, hindi umaalis sa upuan kasi takot talaga ako sa pating. Naniniwala kasi ako dun eh na anytime may lalabas at bigla akong kainin. Nakita ko sa pangpang na tinatawag na kami ng yaya namin. Biglang tumalon si Kuya bitbit ang dalawang water jug.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon