“Here's to the crazy ones. The misfits. The rebels. The troublemakers. The round pegs in the square holes. The ones who see things differently. They're not fond of rules. And they have no respect for the status quo. You can quote them, disagree with them, glorify or vilify them. About the only thing you can't do is ignore them. Because they change things. They push the human race forward. And while some may see them as the crazy ones, we see genius. Because the people who are crazy enough to think they can change the world, are the ones who do.”
― Apple Inc.
SATURDAY
Alas otso ng umaga ang off ko. Dapat nga 6am eh. 9pm to 6am naman talaga kasi yung regular shift ko. Parang call center lang. Pero hindi to call center. Nurse nga ako di ba? Analyst nga lang. Nurse Benefits Analyst.
Sabi sa job description ko,
Typically, analysts take primary responsibility for administering and communicating benefit programs at the corporate level. They interpret related policies and procedures, and ensure compliance with regulatory agencies. Depending on the employer, benefits analysts may focus locally, regionally, nationally or internationally. Benefits analysts are often required to monitor, analyze and recommend compliance actions for new and evolving benefit legislation. They usually participate in management decisions involving business mergers, acquisitions and integrations.
credits to: Florida Tech University Online
Pero kung tutuusin, sa klase ng trabahong hawak ko ngayon, hindi naman halos lahat yan nagagawa ko. Napakalayo pa nga. Kung ako ang tatanungin, troubleshooter ang dapat itawag samin. Pero kung tatanungin ako ng iba, sinasagot ko na lang, "Alam niyo yung medical transcriptionist? Yun parang ganun." Tapos mag-a"Ah" yung kausap ko. Ewan ko lang kung alam nga niya ang ginagawa ng medtrans, narinig niya lang siguro, basta yun. Ayoko kasi yung mag-eexplain. Nakakasakit sa panga na minsan. Nakakasawa na din yung paulit-ulit mo siyang sinasabi sa iba't ibang tao. Okay lang kung sa mood ka mag-explain nung nagtanong siya, pano kung hindi? Tapos yung kausap mo napaka-enthusiastic, hinihintay yung sagot mo. Tapos ikaw parang gusto mo na siyang kutusan para manahimik lang sa kakakulit. Kaya nasanay na ako na yung description ng work ko pang medtrans. Pero hindi talaga.
Troubleshooter. Kasi tagaayos ka ng gusot. Tagahanap ng solusyun. Taga gawa ng plano. Nasa Health Insurance kasi ang company namin. Iba-ibang proyekto pa yung hawak ko. Ilang beses na din akong pinagtraining sa iba't ibang account. Talk about mediocrity? Eto yun eh. Yung hindi mo na alam ano imamaster mo sa dami ng kailangang idigest ng utak mo. Napagod na tuloy ako. Sa una enjoy ako kasi hindi naman talaga mahaba ang attention span ko. Ayoko yung paulit-ulit na trabaho? Tingin ko kasi nabobobo ako. Walang learning. Pag gamay ko na wala na akong gana, kasi wala ng thrill. Kaya okay din na paiba-iba ako ng hawak na trabaho, paiba-ibang projects. Madami akong alam kung ganun db? Halos lahat ng fields ng work sa floor parang alam ko na. Though most of the time, nagtatanong ako. Ganun ako, kahit pa alam ko na, naninigurado ako. Sigurista ako eh. Kung ano yung sa rules, yun na yun. Ako didiskarte pano ko mapapadali ang trabaho ko basta bigyan mo ako ng klase na outcome na gusto mo. Bibigay ko sayo.
Lagi akong nakakapasa ahead of time. Kaya tuloy nganga rin ako ng ilang araw. May 7 days kasi kaming turnaround time pagkabigay ng project. Usually mga two days tapos ko na yun. Kung tutuusin ang dami-dami ko pa ngang kinakalikot niyan. Pero kahit wala pa yung watty dati, na siyang kinakaadikan ko ngayon habang nagtatrabaho eh numero unong pasaway na talaga ako. Bawal kasi magnet habang sa work. Kaso ako pag tipong bored talaga mag-oopen ako ng Y8, Ensogo, Metrodeal, Google. Ako din pasimuno ng mga maiingay na laro. Yung Charades, Pinoy Henyo at magdala ng kung anu-anong exotic foods. Minsan nga sinesearch ko pa pangalan ko sa Google eh. As if andaming lalabas na infos dun. Pero infairness meron naman talaga. Yun yung sa board exams nga lang at mga site accounts. Nyahaha.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved