Chapter 9: Love? Rants? Idk (this is not a funny chapter, this is purely random)

1.4K 36 24
                                    

It is true that I have had heartache and tragedy in my life. These are things none of us avoids. Suffering is the price of being alive.

-Judy Collins 

Note: Wag mag-expect ng bloopers sa Chapter na to. Puro ka-emohan lang to. At mga rants ko sa buhay. Hindi ako makatulog kaya pagpasensyahan niyo na lang at padaanin ang pagiging emo ni otor. Pwedeng wag niyong basahin to. Okay lang talaga. There will be profanities and a lot of cursing kaya pasensya po. Kaya nga diary di ba?

Love

What is love? Sabi ni Google, intense feeling of deep affection daw to. What about infatuation? Ito naman daw ay foolish and usually extravagant passion or love or admiration. 

Ibig sabihin, thin line lang ang difference ng dalawa kaya malamang sa hindi, mapagkakamali mo talaga ang dalawang yan kung hindi ka maingat. Kasi ang infatuation ay extravagant na love o sobrang pagmamahal while foolish is katangahan db? Sino ba naman ang hindi nagdaan sa ganyang stage?

Hindi ba't nakwento ko na kung pano ako nagpakatanga sa crush ko ng second year college? Naging boyfriend ko po siya sa totoo lang. Siya yung pinakamatagal ko na boyfriend. Naging kami hanggang fourth year college. At siya yung huli. Huling legal. Choss. Ibig sabihin malandi si otor? Hahahahaha! Hindi ah. Ayoko lang talaga magboyfriend ngayon. Friends lang. Kaya wag kayong magkakamaling magtanong dahil bibigwasan ko kayo. Intiendes?! Choss.

Teka may iinsert ako may bigla akong naalala.

Naiinis talaga ako sa mga lalaki na alam mong may something sayo tapos magtatanong kung may boyfriend ka? Eh sa naiirita ako eh! Badtrip. Kahapon may na-receive akong text, galing sa isang half-chinese na admirer. Nakilala ko siya sa isang common friend. Mayaman to, may sasakyan, may negosyo (impress ako kasi bata pa, like 27 may negosyo na), hindi naman pangit. Siguro madami din nagkakagusto pero not exactly may type of guy, tapos isa din siya sa nag-ooffer na magsponsor ng Cosplay costume ko daw kasi bagay daw ako. Bobolahin pa ko eh ang tanda ko na para dun. Duh?! Tapos ayun nga nagtext sabi,

Hi Cute (yun yung tawag niya sakin, pauso) kamusta ka na? Si (insert name...tago na lang natin name niya) to, I miss you, may bf ka na?

Paksyit! Nairita talaga ako. Alam kong walang masama sa sinabi niya aside sa ayoko lang talaga na ginaganun ako, ewan ko ba. Sana mabasa niya tong Chapter na to para tantanan niya na ang pagtext text sakin ba't kasi binigay ko pa number ko, nakakainis! Alam mo yun?! Tapos naiinis ako sa pagiging narcissistic niya. Puro kesyo derma derma, pumapangit na daw siya kasi ganito ganyan, kelan daw kami magkikita, yung ganito ganyan. Lecheflan! Isa pang ayaw ko sa lalaki yung atat. Ako pa namang tao eh sobrang tamad lumabas lalo pag ganyang alam kong may gusto ka sakin naiilang lang ako. Mag-aalibi lang akong umuwi agad. Mabait lang talaga ako. I mean, hindi ko kayang mang-offend lalo pag polite naman. At wag na wag mo akong susuhulan kung ayaw mong ilibing kita ng buhay! Ayokong nililibre ako lalo kung hindi naman kita kaibigan. Ayokong binibigyan ako ng mamahaling gifts pag hindi tayo close. Makapal lang muka ko sa friends ko dahil friends ko sila! At wag ka ngang feeling close diyan!

Eto pa, may nagtext naman sakin mga last week of Feb yata, nag-aayang manuod ng PBA. Actually, hindi nakaregister yung number niya sa phone ko kaya nag 'Who's this?' ako agad. Tapos friend pala siya ng friend ko. Magkatext kami before pero binura ko na din number niya. Naalala ko ilang araw ko pang pinatay yung cp ko nun dahil gabi gabi tumatawag. Walang kwenta naman sinasabi, makikipagmeet daw. Duh. Hindi naman kita kilala. At hindi kita feel. Ayoko sa makulit. Tapos sasabihin niyang nagpa-unli talaga siya para sakin. 

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon