“The truly scary thing about undiscovered lies is that they have a greater capacity to diminish us than exposed ones. They erode our strength, our self-esteem, our very foundation.”
― Cheryl Hughes
Matagal ko ng gustong gawan ng UD ang tungkol sa Cheating. Wala lang. Tingin ko kasi madami ang makakarelate. Sige nga nga, sabihin niyo sakin, sino ang kailanman hindi naranasan ang mag-CHEAT?
Pag nagsinungaling ka, well, simula sa umpisa, sinasabi ko na sayo, sarili mo ang numero unong niloloko mo, kaya bahala ka. It's your life nga naman. Sabihan mo pa akong epal eh. Kahit dati pa naman akong nag-eepal dito. Hahaha.
Pero bago ang lahat let us define CHEATING.
Cheating is an act of dishonesty or unfairly in order to gain an advantage, especially in a game or examination.
Para sa katulad mong estudyante, yung lagi mong nacocommit na form of cheating eh yung sa school diba? Pero for expansion purposes muna ng cheating hindi lang naman ibig sabihin nun komo nangongopya ka during quiz, nangongopya ng homeworks, nangongopya during exams, eh yun lang ang form of cheating. Dishonesty, lying o kasinungalingan, anumang actuations na umiikot sa nabanggit ay form of cheating po. Katulad ng paghingi mo ng sobrang tuition, paghingi ng sobrang baon, paghingi ng hindi naman talaga babayarin sa school. These are cheating.
Ano pa? Yung sasabihin mo sa Mommy mo na may meeting kayo sa school kahit gagala ka lang naman. Yung kunyari may group study daw pero group date pala. Ano pa ba? Sa relationship pihadong alam niyo naman ang cheating dun. Kailangan ko pa bang i-elaborate yun? Yung may bf/gf ka na makikipaglandian ka pa sa iba? Yung mag-eentertain ka ng iba? Yung hindi mo masabi kung nasaan ka exactly? Two-timer o kahit ka-MU mo lang yan at wala namang something, the fact that you are lying, that is cheating.
Balik tayo sa school.
Naniniwala ako na yung Cheating eh part ng growth ng bawat bata. Kasi may learnings naman talaga dun kung tutuusin. Nung nagsimula akong mag-aral ng preparatory. Actually mga 2 pa lang yata ako nag-aaral na ako. Pero saling pusa lang. Sa isang day care center samin lang din. Hanggang sa preparatory, kinder 1. Naalala ko, iniiwan lang ako ni Mama sa school tapos babalik lang siya tuwing uwian na. Minsan nga late pa siyang dumating eh, galing pa kasi siyang work kaya madalas, kasama ko yung mga anak ng teacher ko na dalawang lalaki, mas matanda sakin, mga elementary na yata yun, kasi sinasama niya ako sa bahay niya.
One time nag-exam kami. Parang naging pet student yata ako ni Ma'am nun kasi sabi ni Mama madaldal ako. So pagmadaldal pet student agad no? Haha. Bibo lang talaga ako siguro dati. Ako nga minsan naglalagay ng stamps sa paper ng mga kaklase ko pag very good sila. Feeling teacher na pala ako nun. Haha. Ayun nung nag-exam kami, mga sounds. Kunyari may picture na ice cream tapos ilalagay mo yung corresponding first letter sa answer sheet mo. Di syempre dapat magaling ka magfigure out kung ano yun di ba? English kasi yun. Nung time na yun napadaan si Mama kasi nakalimutan niya akong ibilin kay Ma'am. Eh nasa tapat ko lang si Ma'am nun. Tapos hindi ko alam ang first letter ng ice cream. Kaya pasimple kong kinulbit si Mama tapos sabi ko..
"Ma, ano nga yung sound neto?"
Natawa si Mama kasi exam yun tapos nakita niya yung papel ko, yun na lang yung walang sagot. Sabi niya,
"Ayyss cream. Ayyss cream," gumanon siya.
"Ahhh, gets na Ma. Mali naman yung pronounciation mo eh. Parang letter 'a' di ba letter 'i' yung ice cream?" sabi ko.
Natawa si Mama.
"Sabi mo sound. Dapat nga 'ting ting ting' eh!" sabi nito.
"Ayyss mali-mali ka naman magturo eh!" sabi ko dito tsaka sinabihan ko na siyang lumabas.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved