Chapter 26: Kwentong sabog

660 25 18
                                    

Together forever, never apart. Maybe in distance, but never in heart.

Sunday

April 26, 2015

(15 hours delayed sa Pinas)

Gusto kong humingi ng pasensya sa sarili ko dahil hindi ko na yata masyadong pinagtutuunan ng pansin. Ang pagsusulat ko dapat dito ay senyales lamang na may oras pa ako para sa sarili ko. Oras, para balikan ang mga bagay na nangyari sa akin na pwede kong balikan at gusto ko ding ibahagi sa mga gustong maki-chismis, hahaha char.

Gusto kong ibahagi sa chapter na 'to ang lahat ng nangyari sa araw na nakasaad sa taas. Sa abot ng aking memorya. Pero kapag tinamad ako, bahala na. Kung saan na lang mapunta tong madaldal kong utak.

Gumising ako ng alas nueve.

Naglinis ng bahay, naghiwa ng sibuyas at luya para sa laing na lulutuin mamayang gabi, nakikinig sa random music...

Pinipilit kong wag magbukas ng fb kasi hindi ako nakakapagbasa lately. Nakaka-guilty lang. Ang baba ng score ko netong huling pagsusulit although nakabawi ako sa skills exam. Still. I feel guilty. Lagi na lang feeling ko kulang ang efforts ko. Pano kasi wala talaga akong disiplina. Hindi na nga ako nagtatrabaho kapag may pasok. Hays.

Pero ayun, nanaig na naman si guardian evil, ano pa nga ba. Edi click ng fb. Nakita kong nagpost ang kaibigan kong nagbakasyon sa Pinas. Sabi sa post niya, ready na siyang lumipad pabalik dito. Napatingin ako sa date. April 26. Kahit na nasabi na niya dati sakin na babalik siya ng April 26 dito, hindi ako gaanong kumbinsido. Ang gulo kasing kausap eh. Tsaka sabi niya din sakin non, baka mag-extend siya. Kako, baka nag.empake lang. Ni-like ko na lang ang post niya tsaka nagcomment na sana magkita na kami this time.

Alam niyo kasi, nung pauwi siya ng Pinas para magbakasyon, may ipapadala dapat ako sa kanya. Kaso hindi na siya pinalabas ng security. Nasayang lang ang mga pagtakbo-takbo ko galing sa volunteer work ko para lang mahabol ang bus. Then ayun nga, nagPM siya sakin na pabalik na siya dito. Sabi niya 9PM daw nandito na siya.

Nagloading pa ko ng konti. Medyo denial. Hahaha.

Denial. Ito yung, naglalakad kami ng kaklase ko pauwi tapos nakakita kami ng bulaklak sa daan.

Ako: Tulip ba 'to?

Siya: Ewan ko.

Ako: Mukhang tulip no?

Siya: Mukha nga eh. Pero ano namang gagawin ng tulip dito sa daan?

Ako: Sabagay.

Pero nalaman namin pagkalipas ng isang linggo, tulip nga. Ayaw pang tanggapin ng kalooban namin na dito, pakalat kalat lang ang mga ganyang bulaklak. Na ordinaryo lang sila dito. Pati cherry blossom, pwede mong yugyugin ang puno diyan sa kanto at magpa-feeling autumn na inuulanan ng mga bulaklak.

Totoo. Minsan pakiramdam ko, nasa dreamland pa rin ako. Na hindi totoo tong nangyayari sakin, na hindi ako sa ibang bansa, yung mga ganun. Pero paggising mo, pagkurot mo sa sarili mo, saka mo lang mare-realize na, 'Uy focus! Hindi ka nandito para magpakasaya. Hindi ka nandito para magpakasasa sa mga pagkain.' Eto talaga problema ko ngayon eh. Yung bahay kasi namin parang may built-in grocery store. Dinaig pa ang sari-sari store namin sa Pinas, hahahaha.

Anyway ayun. Pagkatapos tanggapin ng kalooban ko na darating na nga mamaya ang kaibigan ko, na-excite na ko. Kasi nilu-look forward ko yung pasalubong ko galing kina Ate, hahahaha.

Hindi talaga sa kaibigan ko eh, huehuehue.

Medyo nahiya pa nga ako sa sarili ko. Konti lang naman. Kasi wala lang. Yung ideya na ako 'tong nandito sa abroad pero yung taga Pinas pa magpapadala sakin ng pasalubong. Hanep lang, ahahaha. Sorry talaga, huhu.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon