Chapter 5: True Friends

1.8K 53 57
                                    

“Friendship is born at that moment when one person says to another: "What! You too? I thought I was the only one.”

― C.S. Lewis

Nasabi ko na ba na madami akong kaibigan? Nakalimutan ko sa mga previous chapters eh. Anyway madami talaga akong kaibigan. Wala naman akong kaaway. Not that I know of. Sa pagkakaalam ko, hindi ako warfreak. Ako nga lagi inaaway eh. Masarap daw akong i-bully dahil hindi ako pikon, at lagi lang akong nakatawa. Jolly, happy person. Sabi nila. Pero sabi naman ng mga lalaki kong kaklase, ng highschool, takot sila sakin. Siguro dahil boyish din ako? Ang alam ko lang may pagka-aloof talaga ako sa lalaki since elementary to highschool. Ayoko ng i-elaborate. Sa ngayon. :)

May naalala lang ako ulit i.share.

Eto na nga magstart na ako, dami lang intro eh no? Pwes magtiis ka, nakikibasa ka na nga lang, at libre pa. ^____^

Uhm, un. Naalala ko si Tinjoy. Kasi kanina habang nagbibiyahe ako pauwi galing Baguio, nakareceive na naman ako ng text mula sa kanya. Actually, quotes lang naman. Hindi kasi ako mahilig magreply sa quotes eh. Tsaka tinatamad din ako magtext. At tinatamad akong magload. Uhm, honestly, nakakahiya mang aminin pero sinusustentuhan pa rin ako ng tita ko sa load. Tita's girl din kasi ako. Wala siya kasing anak. At siya nag-alaga sakin since elementary. Ayun nga, may load ako ng 100 per week. Naka-TRINET100 siya.

To register: Type TRINET100 send to 2477. May 750 texts to allnet + 120 mins calls to smart/tnt/sun + 35MB mobile internet. HAHAHAHAHA. Ayan, sana naman my freebies ako sa smart sa pag.eendorse ko. Wishful thinking. :))

Pero hindi yata umaabot ng 200 ang text ko sa 1week. Tamad kasi talaga ako magtext eh. Yung usual na tinetext ko, nanay ko syempre, tita ko, pinsan ko, friends ko pag nag-aaya. Basta yung importate lang talaga. Yung pantawag, usually, para lang talaga sa tita ko at mama yun. Pag hindi kasi ako nakatawag in a week, akala nila, tinakwil ko na sila. Ganun sila ka-OA. Eversince I demanded my independence way back 2010 at na-grant ng 2011. Pero nagstart ng January 2012. Ayos no? 1 year akong nag-appeal, naglumuhod ako (medyo exaggerated kuno!), para umalis sa poder ng nanay ko, kaya nung nakuha ko na siya, which is, as of now, eh I'm living alone, medyo coping naman. Medyo-medyo. ^___^

Minsan nakakaiyak pa rin. Kasi totoo yung "With Freedom comes Great Responsibility". Syempre kelangan kong magbanat ng buto. Kelangan ko patunayan sa family ko na kaya ko ngang mag-isa. Ang hirap kaya! Mas malaki pa yung allowance ko sa sinasahod ko, pero ganun talaga. Grabe ang pigil ko na wag humingi tuwing nagigipit ako. Kasi ginusto ko to eh. Pero so far coping naman. Nasa diskarte lang talaga at tamang disiplina sa sarili. Yeah! You must be proud of me mother. Yo! Yo! Hahaha :)

Ayunn. Habang nagbibiyahe ako kanina. I have a sudden feeling of nostalgia. Naalala ko nga si Tinjoy. Isa siya sa pinaka-astig kong kaklase ng college. Kanina ko nga lang na-realize na madami pala akong natutunan sa kanya. At sorry Nene kasi iisa-isahin ko siya sa abot ng aking memory cells. ^___^

Kaklase ko siya ng college.

Note: Sa kanya muna ako magfofocus. :)

First year college syempre wala ka pang masyadong kilala. Madaming new faces, new people. Awkward moment. Kahit ikaw pa siguro ang pinakamaingay na tao sa school niyo ng highschool, makikiramdam ka pa rin at first sa college. Ang hirap magpa-feeling close. Third day ng class na ako pumasok. Wala sa plano yun ha, mabait pa ako ng first year... late lang talaga ako nag-enroll dahil ayoko sana ng course ko. Namumugto pa nga mga mata ko nun ng pumasok ako sa classroom eh. Good thing my dalawa akong schoolmate from our school. Sila din nag-approach sakin. Well, parang walang pinagbago yung school kasi Catholic school din siya, just like highschool. Ayun, nagpakilala. May nag-approach sakin. Hindi pa ako masyadong nagsasalita. After class, uwi ako agad. Tulog pag vacant, then pasok ulit. Yung iba kong classmates may kanya-kanya ng unyon. May mga circle of friends na. Ako wala pa. Kasi uwi agad ako. Come Friday. 5th day ng klase. Filipino subject. As usual, basta bagong teacher, bagong subject, bagong modus na naman ng pagpapakilala. Nakakairita man ang paulit-ulit mong ginagawa eh wala ka talagang magagawa. Kanya-kanya silang pakulo. At ikaw naman si utu-uto. Ngayon mo lang na-realize no? Na nauto ka ng teacher mong magpakilala. Depende sa diskarte niya. Katulad sa Filipino namin nun.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon