The art of storytelling is reaching its end because the epic side of truth, wisdom, is dying out.
-Walter BenjaminEpic. Iyan pamagat ng Chapter na 'to. Epic.
Bentang-bentang expression yan sa kasalukuyan eh. Ewan ko lang kung nagamit mo na din yan. Ewan ko din kung paano mo sinabi yan. Kung medyo malandi, astigin o ano. Ikaw na bahala. Pero nagtataka ako, ano ba talaga ibig sabihin ng Epic? Kasi nung hindi pa nauso yang expression na yan ang alam ko, Epic is a kind of poetry eh. Promise. Tanungin niyo pa si Google, dudugo ilong niyo.
Ito ang ilan sa eksplinasyon diyan according to www.thefreedictionary.com
Epic:
1. An extended narrative poem in elevated or dignified language, celebrating the feats of a legendary or traditional hero.
2. A literary or dramatic composition that resembles an extended narrative poem celebrating heroic feats.
Di ba? Long narrative poem ang epic. Pero dahil nauso na nga siya kaya nag-evolve din ang meaning niya. Epic now means Extremely awesome or beyond extraordinary. O baka dating meaning pa yan at hindi lang talaga ako updated. T__T
So let's go back to the reason why I chose Epic as my Chapter's title and why should I share things about Epicness? Chaka, ang hirap mag-english. Epic. Charot.
Epic kasi ang kabuuang buwan ko ng June. Maraming turning points, unexpected events at unplanned happenings sakin sa buwang yon. Well, hanggang kakasimula nga nitong July.
Nahaggard yata ako dahil sa mga pangyayari. Teka, mali. Lagi nga pala akong haggard hahaha.
Una. Early June ng may unexpected event na nangyari sakin habang sakay ako ng jeep pauwi. 7pm off ko at may dalawang commute pa ako bago makarating sa bahay.
Mga alas otso na yata ng gabi yon. At dahil medyo traffic, kinuha ko ang cellphone ko at nagpasyang magwattpad muna. Nagbasa ako ng feeds. Daming comments nun sa Chapter 34 yata. Yung after ng pagsagot ni Louie kay Ray. Tuwang-tuwa ako sa pagbabasa ng comments 'tos balak kong magreply kasi ang hahaba ng comments nila.
Madami kasing naiinis kay Ray eh. Nakakatawa kasi sobrang affected sila sa nangyari. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng ateng niyo. So ayun, iniscroll up ko ulit para mabasa yung Chapter na pinagcomentan nila. May Chapter 35 na din kasi non so gusto ko malaman ano yung nangyari ulit sa 34. Nabigla ako ng magsalita yung katabi ko.
Katabi: Uy Miss nagbabasa ka din pala ng Miss Astig?(siniko ang katabi. Kaibigan siguro) Sabi sayo eh! Maganda ang Miss Astig. Basahin mo na.
Nagdadalawang isip pa ako kung ako nga kausap nito pero nung lumingon siya sa screen ng cp ko nagulat ulit ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved