Chapter 6: Define Astig?

1.8K 48 50
                                    

Cherish your human connections - your relationships with friends and family.

-Barbara Bush

Meron talagang mga bagay na hindi natin minsan mapagkasunduan. Maliit o malaking bagay man yan. Hindi dahil makitid ang utak natin. At mas malawak ang sa kanila. Tingin ko, sadyang may sarili lang talaga tayong pag-iisip. Uniqueness na tinatawag. Maaaring yung maganda sayo ay pangit sa paningin niya. Kaya nga may 'Beauty is in the eye of the Beholder' di ba? Kaya hindi din ako naniniwala na may taong bobo. Hindi nag-eexist sakin yun. Ang tawag dun, tamad. Tamad magbasa, tamad magkopya ng notes, tamad gumawa ng homeworks, tamad mag-aral para sa exams. Isang malaking TAMAD.

Matagal ko ng napatunayan yan. Kasi kahit ano ka pa katalino, kung tamad ka, daig ka pa rin ng taong masipag. Habang napupurol ang utak mo, tumatalas naman ang utak nila. Sino ngayon ang mapag-iiwanan? Sagutin mo nextyear kung tinatamad ka ngayon. O.O

Alam ko dahil tamad din ako minsan. Tapos ako pa may gana mainis (hindi ko lang sinasabi.hehe) pag nakakuha yung isang kaklase ko ng mas mataas na score sakin. "Pano nangyari yun?!" may ganyang effect pa ako. Ang childisssshh lang. Hahaha. Syempre dahil masipag siya. Ikaw ba naman, Archie comics lang laging hawak mo, tapos siya, 1 month prior to exam, nag-aaral na, malamang saulado na niya buong libro di ba? Tsss. Kaya wag masanay sa rush. Kasi may tendency nga na mataas yung score mo, kasi dun ka sanay pero yung probability na mareretain yung pinag-aralan mo, malabo. Sobrang labo. Sinasabi ko sayo, grumadweyt ako ng apat na taon sa hayskul, apat na taon sa college, nakapasa ng boards at lahat lahat, hindi pa rin ako ganun ka confident theoritically speaking. Piece of advice lang yan.

The more you know, the more you don't know. :)

Anyways, hindi diyan iikot yung UD ko. Etios lang yan, kunyari may mga words of wisdom din daw kayong mapupulot. Kunyari makikinig ka, at kunyari susundin mo. Hahahaha. Nasayo din naman yan kung magpapaimpluwensya ka eh. Hindi requirement yan dito. *wink

 ****

Define Astig.

Ano nga ba ang astig sa inyo? Ang astig ba sayo eh yung well-rounded? Yung tipong madaming alam? Yung matalino at talented? Yung kayang gumawa ng extraordinary things? Yung kayang maglakad sa bubog at baga habang bumubuga ng apoy ang bunganga? Yung marunong magsplit sa kawayan ng at least 500 feet high? Yung kayang magpalo sebo ng inverted?

Eeeehhh! Nawindang ako sa sariling sinabi ko ah. ^__^

Sakin simple lang ang astig. Yung tipong weirdo pero may dating. Astig yun. Basta may impact. Maguguluhan lang kayo sa takbo ng utak ko kaya magbibigay na lang ako ng example. :)

Katulad ng pinsan kong sampung taong gulang. Nung isang araw nagtext yung mommy niya sakin, open ko daw yung fb niya at ichat ko yung first honor nila, nasa special science siya kasi. Tanungin ko daw kung kamusta yung exams at scores ng pinsan ko. So binigay niya yung password. Ayun, sabi ng kaklase, hindi niya daw alam yung score ng pinsan ko. Kaya maglologout na sana ako. Kaso ng chat yung isang kaklase niya, lalaki. Hindi ko na dapat papansinin.

Kaklase: Crush mo boy or Girl?

Sino hindi maku-curious nun? Eh LALAKI ang pinsan ko! Isipin niyo! Isipin niyo kung ano ang nararamdaman ko ng mabasa ko yun! Jusme! Hahahaha.

Kaya siyempre binasa ko pataas. At pababa ulit. Doon ko nadiscover kung gaano kataba ang utak ng pinsan ko. Tsktsk

Kaklase: Bobo ka!

Cousin: Thanks for trusting diablo. Pls call Mr. Idiot. His number is 56565656565656. Stay in heaven

Kaklase: You stay in rome total wars!

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon