Chapter 13: When Menstruation Strikes

1.7K 38 31
                                    

“I have periods now, like normal girls; I too am among the knowing, I too can sit out volleyball games and go to the nurse's for aspirin and waddle along the halls with a pad like a flattened rabbit tail wadded between my legs, sopping with liver-colored blood.”  

― Margaret Atwood, Cat's Eye

04/04/2013

"Tita ano 'to?! Yaaaaaak!"

Nagtataka kong sabi kay Tita (dahil again, wala ang nanay ko, nasa milky way pa siya, kasalukuyang nagtitinda ng kwek-kwek. Haha) ng makita ang tila putik? sa underwear ko. Twelve ako nun. Isip four years old.

"Hahahahahaha. Mens yan," natatawang sagot nito. "Dinatnan ka na pala, lika."

 

Hindi womens? Muntik ko ng itanong noon pero ngayon ko lang na-realize na wala pa lang word na WOMENS. Hahahaha. Katangan at its peak kasi.

Syempre ano ineexpect mo sa Chapter na 'to? Edi usapang menstruation nga. Langan namang usapang tuli to, eh menstruation nga ang title di ba? Hahaha. Chos. Bakit ko ba naisipang mag-UD tungkol dito eh kaka-UD ko lang ng isang araw? Hahaha. Ganun talaga. Binabase ko sa nararamdaman ko kasi. Tsaka neto lang, pinahiya ako ng menstruation ko. Sige, dalaw. Dalaw sa tagalog eh. Tss.

Ano ba kasi nangyari kanina?

Kasi ganito 'yun. Explain ko muna ang number one fact about sakin bago dumating yung dalaw ko (talagang gumaganon noh?haha).

Hindi ako nagkakaroon ng PMS (Premenstrual Syndrome).  Sa mga hindi alam ang PMS, eto po yung mga sintomas na nararamdaman at na-eexperience ng mga babae BAGO magkaroon ng menstruation. Katulad ng pagsakit ng tiyan at ilan pang parte ng katawan, pagiging mainipin, maiksing pasensya, bugnutin, pagkakaroon din ng white menstruation (wag ka ng magtanong kung lalaki ka dahil wet dreams ang sayo at alam mo kung kelan lumalabas yun OKAY?!), pagke-crave ng kung anu-anong pagkain(meron talagang ganito ka-weirdo, parang naglilihi lang), pagsusuka, pananakit ng suso, backaches, headaches, constipation, tense, difficulty handling stress and situations at iba pa.  

Hindi lahat, meron ng mga sintomas na nabanggit. Yung iba may mas weirdo pa diyan. Katulad ko nga na hindi nagkakaroon ng ganun kaya kung hindi regular ang menstruation mo at hindi mo alam magbilang ng kalendaryo sa cycle mo dahil tamad kang magbilang (tulad ko), hindi mo talaga malalaman kung kailan ka dadatnan. Kaya ingat-ingat ding mapahiya ha? Magdala lagi ng napkin. Hehe.

Minsan nagkakamali rin ang mga tao sa PMS at Dysmenorrhea. Bibigyang liwanag ko lang po.

Ang Dysmenorrhea ay 'painful menstruation' at ang PMS ay 'premenstrual syndrome' diba? From the word itself na 'PRE', prefix na ibig sabihin ay before, mga sintomas nga po siya bago magkaroon ng menstruation. Ibig sabihin, nangyayari lang ang dysmenorrhea kapag dumating na ang dalaw mo. At ang PMS kapag hindi pa siya dumadating. Gets po ba? Sa mga lalaki, helpful din po 'to para mas maintindihan niyo ang kapatid niyong babae, nanay niyo, kaibigang babae, girlfriend niyo, ka-fling niyo, ka-MU o ka-friendzone. Hahaha.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon