Chapter 2: Certified PG

4.6K 117 126
                                    

A true friend unbosoms freely, advises justly, assists readily, adventures boldly, takes all patiently, defends courageously, and continues a friend unchangeably. 

~William Penn

Kakatapos lang yata ng exams nun. Tatlo kami ng kaibigan ko. Si Rex, my gay friend, si Ren, my girl friend at ako syempre. Mahilig kaming magnight out. Mahilig din kaming makitulog sa bahay nila ni Rex. Siya kasi ang caretaker ng bahay ng tita niya na malapit sa school namin. Minsan dun na lang kami umiinom hanggang sa bangag na hanggang umaga. Kala mo malakas uminom eh pa-one bottle lang naman. Yung matawag lang na cool ba.

Kami yung tipong akala mo eh, takas sa bilibid. Sina Rex at Ren siguro ang ilan sa mga totoong kaibigan ko. Ilan sa mga totoong baliw na kaibigan ko rather.

Papakilala ko muna sila. Wag kang atat dyan. Joke. Hehe!

Si Rex. Mga 5'7 siguro siya. Maputi, balingkinitan na singkit. May lahing intsik kasi. Siya yung tipong kapag nagkita kayo sa hallway ng school. Kasi schoolmates lang naman kaming tatlo, although pareho kami ng course, eh isisigaw niya pangalan mo kahit isang metro lang yata distansya niyo. Hindi pa kontento yan, hihilain pa niya ang buhok mo.

Nakita ka ni Rex dumaan sa cafeteria, galing ka sa pagpapaphotocopy ng notes ng kaklase mo dahil tulog ka buong period at may exams kayo bukas. Ganyan ako kasipag. Nagkataon na break niya.

"Diwata!"

Pasigaw ka niyang tatawagin, isang metro ang layo, hihilain ang buhok mo at sisigaw sa tenga mo. Imaginin niyong malanding matinis ang boses niya.

"AYYYYY BAKLA!! SAANG ROOM KAYO?! SAAN KA GALING?? ESCAPE KA NA NAMAN NO?? LABAS TAYO MAYA HA?! TULOY NA TULOY YUN!!"

At ikaw, sa basag basag mong eardrums, sa nagtitinginang mga tao na alam na ngayon kung gaano ka karesponsableng estudyante, na maraming salamat sa pesteng kaharap mo, ay parang gusto mong biglang tuhurin ang baklang kaibigan mo. Oo. Wala siyang pakialam. May makarinig man o wala, pagtawanan ka man o hindi. Bakit ko siya hinahayaan? Kasi ganyan din ako sa kanya. Minsan, mas malala pa. Yung tipong below the belt na minsan.

"Rex, kamusta ang quiz?"

Tanong ko paglabas niya ng classroom. Kakadismiss lang nila at uwian na din nun. Hinintay ko siya dahil magkikita kaming tatlo ni Ren.

"Syempre perfect!" Mayabang na sabi nito.

"Mabuti nasaulado mo agad ang leakage na binigay ko!" Malakas kong sabi.

Napalingon ang mga tao. Syempre, bawal sa amin yun. Pwede siyang ikickout dahil dun kung sakali.

Akmang hihilain niya ang buhok ko ng bigla akong tumakbo.

"Hoy impakta magkasama pa rin tayo mamaya, kakalbuhin kita!" malakas na sigaw nito.

"Weh? May date ako. Hindi pala ako makakasama" sabi ko.

"Ahhhh ganon?! Subukan mo lang! Subukan mo lang!"

Sanay na ang mga tao sa kanya. Tingin ko nga sikat na yun sa school eh. Syempre bukod sa amin ni Ren, may ibang circle of friends din siya. Mga bakla din yung iba at tomboy. Haha!

Si Ren? 4'11 lang yun. Pero wag ka. Siya yung small but terrible. Nagsosoccer yun, nagsusulat, may isang sikat na writer pa yata ang nagsama ng isang gawa niya at napublish sa libro. Pero dahil hindi ko maalala ang libro at titulo nun, siguro hindi nga siya ganun ka sikat. Sumasali din siya sa declaimation, sumasayaw at lastly singer! Sumasali sa banda yun. Pero sa lahat ng yan may mga moments of insecurity pa rin siya. Ewan ko sa siraulong babaeng yan. May mga random moments of depression kasi. *Hugs Ren! Hihi

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon