Chapter 23: Usapang Ex vs Usapang krus XD

749 29 21
                                    

The firmest of friendships have been formed in mutual adversity, as iron is most strongly united by the fiercest flame.

— Charles Caleb Colton

April 13, 2014

Sunday

Sa dami ng nangyari kahapon isa lang ito sa katanungang gusto kong itanong sa inyo: May common denominator ba ang mga Ex niyo? Hahahahaha.

Wala lang.

Tatlo lang kami ni Maui at Erin ang nagdate kahapon. Okay naman. I'll fill you in what happened the whole day.

Hindi ako nakatulog ng maayos noong Biyernes ng gabi. (<--- kahapon daw eh Biyernes naman ni-kwento? Hahaha. Ang gulo ko lang. Teka, magbasa ka na lang!)

Kainis naman kasi tinakot ko ang sarili ko eh alam ko namang mag-isa lang ako sa bahay. Nagbasa lang naman ako ng horror stories at nanood ng The Woman in Black ni Daniel Radcliffe at nang patayin ko na ang ilaw bandang alas dos ng madaling araw, eh alam niyo na ang mga nangyayari sa balintatanaw (ano daw?) ko. Ayun, nagtyaga akong matulog na may ilaw, kaya ilang beses din akong pagiling giling at biglang gigising. Hindi kasi ako sanay na may ilaw pag natutulog.

Kaya hindi ko alam kung sumakto ba ang tulog ko sa pitong oras (gusto ko kasi at least 7 hours a day ang tulog ko. Huehue) kasi malapit na yata sa alas diyes ng umaga akong nagising nang mabasa ko ang text ni Maui na ala una pa ang out niya sa opisina.

Maui:

Hanggang 1pm ako pre.

Mega o galle? Si erin? :)

Kaya nagreply ako agad.

Me:

Hindi mo ni-text?

Kakagising ko lang. Mega na

Maui:

Akala ko tinext mo.

Emergherd.

Wait lang..dito boss ko.

Yan tayo eh. Sa parehong nag-aakala na gagawin ng isa, hahaha. Mabuti na lang alas diyes pa lang non kaya alam kong, yeah. TULOG PA SI ERIN. Tss. Tinext ko na lang siya dahil after an hour eh gigising na din naman yun.

To Erin:

Magkita dw tayo ni maui

1pm sa mega mamaya!

Gising kna!

Hahaha

11:39am na nga siya nakareply eh. Pero okay lang, sanay na ako na lampas sa oras ng usapan ang totoong kitaan. Sila pa. Hahahaha.

Sa Timezone kami nagkita-kita. Alam naman nilang kung hindi sa shooting ng basketball nila ako matatagpuan ay sa bagong kinaaadikan ko lang ako tumatambay. Sa Rerave.

Baka gusto niyong sumali sa Team namin? Pakihanap na lang sa site ng Rerave.com. Power Ninjas ang name ng team. Pasimpleng plug pa eh hahaha. Newbie pa lang po ako, medyo pinag-aaralan ko pa ang game na 'to, huehue.

Eherm. Balik tayo sa kwento.

Dahil gutom kami ni Maui, (Si Erin hindi, kumain na to kaya hindi umiimik.) naghanap kami ng makakainan. Yung malapit lang sa current location namin. Well, kami ni Erin kung saan ang malapit, nandun kami agad di tulad nitong si Maui, usually talaga, gusto naming magtry ng bago.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon