"One should always be drunk. That's all that matters...But with what? With wine, with poetry, or with virtue, as you chose. But get drunk.”
― Charles Baudelaire
Interesting ng title noh?
Pwes sorry dahil hindi yan ang topic. Ang gusto kong pag-usapan ay tungkol sa Reproductive Health Bill (Republic Act No. 10354) at Violence Against Women (Republic Act 9262). Charot lang. Baka nasa second paragraph ka pa lang naglalaway kana sa tulog diyan hahahaha.
Alam ko naman na ang gusto niyo talagang pinag-uusapan eh kalokohan. Di ba? Yung tipong gugulong ka sa kakatawa o yung nilalapastangan ko talaga ang sarili ko. Yan mga gusto niyo eh. Bwiset. HAHAHA. Pwes sige. Susubukan kong magshare ng pagkakalat ko. Ewan ko lang kung matatawa ka. Pero bahala na.
Alcohol. Sabi ni Google: A colorless volatile flammable liquid, C2H5OH, that is the intoxicating constituent of wine, beer, spirits, and any drink containing this.
Definition na kinuha ko, yung alcohol na iniinom, hindi yung isoprophyl alcohol na antiseptic ha?
This experience happened just this year. Tagaytay. Around February yata.
Nagkayayaan ang mga officemates kong mag-out of town, overnight, sa rest house nina Val (pangalan ni opismate). P500 ang ambagan. Ayos na din naman. May sweldo eh. Pero actually, ayoko dapat sumama nun. Kasi magkikita pa kami ng pinsan ko. Ako kasi tumatayong guardian niya at may papipirma siyang waiver para sa camping na pupuntahan niya. Bale naka-schedule na dapat talaga kaming magkita. Lunchdate tapos maggo-grocery. Ganun.
Kaso masyadong mapilit 'tong mga officemates ko kaya napasubo na din ako. Yung nangyari, dahil hindi ko pwedeng igive-up yung pagkikita namin ng pinsan ko, susunod na lang ako sa kanila. Wow. Mag-isa akong pupunta dun bale. May mga sasakyan kasi sila. Si ateng niyo, magbu-bus. Yung shift ko pa nun 10pm-6am. Tos diretso na sila sa Tagaytay.
Saturday 6am. Tapos na ang shift.
Halos wala na akong tulog nun. Kasi kailangan ko pang magprepare. Tapos 10am kami magkikita ng pinsan ko. Pagkita namin, naglunch na kami agad. Pinaggrocery ko siya, then konting strolling, kamustahan, bilin bilin. Minsan lang kasi kaming magkita dahil subsob din 'to sa pag-aaral. Mga 2pm kami naghiwalay. Diretso na ako sa Edsa dahil doon ang terminal ng bus. Nagjeep ako papuntang LRT Buendia then from there, bumaba ako ng Edsa. Yun instructions nila eh.
I bought an English book sa Booksale para may babasahin ako habang nagbibyahe at ng hindi ako makatulog. Pero sa totoo lang, sa LRT pa lang parang gusto ko ng lagyan ng toothpick ang mga mata ko para huwag pumikit. Sobrang antok ko talaga. Tapos pinipilit ko pang huwag matulog sa biyahe dahil baka lumampas ako.
Takte. Sabi ng mga magagaling kong opismates magtext daw ako pag nasa Olivares na ako dahil susunduin nila ako pero ang mga walanghiya tinulugan ako! De syempre lumampas ako. Yung mapa na dinrowing nila, mag-isa kong inintindi at hinanap. Kung hindi lang talaga malakas ang loob ko baka bumaha na ang buong Tagaytay sa paglulupasay ko at pag-iyak. Kaso sayang ang precious tears ni Diwata (hehe maisingit langs). Sa kabutihang palad naman nkarating ako ng matiwasay sa rest house nina Val.
Ano ba ineexpect niyo sa mga ganoong lakad?
Syempre pag mga ganyan may inuman talaga. Chismisan, labasan ng malulupit na sekreto. Nung time na yon bumili sila ng ilang litrong Red Horse. Yung kantahan na pinlano epic fail dahil pang ibang bansa yung mga plugs ng kuryente. Kelangan ng adaptor. Nagsettle kami sa baraha. At dahil lahat halos marunong sa pusoy, edi yun. Kaso may at stake. Kapag natalo daw, dalawang baso ng red horse yung shot niya.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
SonstigesContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved