Chapter 29: The thing about Failing

390 29 8
                                    


The real failure is when you stop trying.

27:08:15

I have and will always be afraid of failure.

Who isn't anyway?

My life is a living testimony that a single petty thing of failing something means you're never good enough. You should always be the best on anything you engage yourself into and being only the second one means you're not.

Hindi literal na sinasabi sakin ng pamilya ko iyan. Pero madalas, pinaparamdam nila. And you know how actions speaks louder than voice.

I recently had a conversation with my mother. Almost a month din siguro kaming hindi nag-usap dahil sobrang busy ko sa school. I was prepping for my CELBAN (Canadian English Language Benchmark Assessment for Nurses). Sabi ng ilan, mas madali daw ang CELBAN sa IELTS. Ang ilan naman nagsasabing marami daw nape-fail dun sa Listening at Speaking. Sa Listening dahil kailangan perfect 10 ang score mo at sa Speaking, dahil sa grammar, intelligibility and cohesiveness ng sagot mo.

I already took IELTS a year ago and passed it, so imagine the pressure.

Hindi ako fan ng review programs dahil tinutulugan ko lang sila at hindi pumapasok sa kukute ko ang tinuturo, so basically, I work on my own. Sanay ako sa self review. Sanay mag-isa. Before I took the CELBAN, four weeks before, tinulungan ko ang dalawang kaklase kong may naunang schedule. I became their mentor (tawag nila sakin eh), for I review them. I would even invite them sa bahay at doon magpuyat hanggang sa maging bihasa sila sa Writing at Speaking task. Then two weeks after that, sa nalalapit ko namang exam, nagreview ako sa online drills sa Listening, would practice everyday on my Writing and a week before, I would practice my Speaking with my classmates in school or just be myself at home. Sa school, yung tipong tanungin lang nila ako randomly ng kahit ano, tos sasagot ako. Minsan pasakitan talaga sa panga tanong nila sakin:

1. What are the problems that your home country face today and how does the government resolve it?
2. What causes war and why?
3. Do you agree or disagree on same-sex marriage and why?
4. How do you convince an obese person to stay fit?
5. Do you think athletes deserve being paid high? Give your three main points and explain.
And so on.

Balik tayo sa conversation namin ni mudra. Tumawag kasi ako sa kanya non para sabihing nakabili na ako ng calcium supplement na hinihingi niya at susubukan kong ipadala sa kanya by next month- hopefully. Out of nowhere, tinanong ko siya:

"Ma, kahit isang beses ba sa buong buhay mo, naisip mo man lang na babagsak ako? Na magpe-fail ako sa exam?"

Hindi man lang napaisip ng matagal ang nanay ko, sa kung paanong napaisip pa ako ng ilang segundo, bago itanong iyon nang sagutin niya ako:

"Hindi. Ewan ko kung naalala mo pa ang high school adviser mo," sinabi niya ang pangalan ng teacher ko. "Tinanong niya ako after PTA meeting, sabi niya 'Misis, ano'ng kukunin ng anak mo sa college?' Sagot ko, nursing yata. Tumango siya. Sabi niya, 'sobrang talino ng anak mo, kakayanin niyan kahit anong kurso. May tiwala ka ba sa anak mo, misis?' Matagal akong napatingin sa teacher mo, nakikinig sa sinabi niya. Marami pa kasi siyang sinabi pagkatapos niyang magtanong. Nasabi ko na lang sa sarili ko non, hindi lang pala ako ang malaki ang tiwala sayo. Mas marami ang nakakita. Kaya kahit ang tingin kong gatuldok na pag-aalinlangan, highschool ka pa lang, nawala na."

Nagpatuloy pa si inang magkwento.

"Nasa kolehiyo ka non, kakasimula mo lang yata ng fourth year college. Pinagsabihan ako ng mga kapatid ko kung bakit hindi man lang kita binibisita sa dorm mo, sa school niyo. Baka daw gulatin mo na lang ako, bagsak na pala. O baka ano nang nangyari sayo. Pero sabi ko lang kina kuya. Kahit minsan hindi nagsinungaling ang anak ko sakin. Lahat naman pinapakita niya. Isang beses lang akong pinatawag sa school nila, nung nakakuha siya ng 79 sa isang subject sa midterm. Sabi ng adviser niya, maipapasa naman niya ang subject na yon, pero ayaw lang nilang malipat ka sa ibang section. Kasi nasa cream of the crop kayo. Kaya hindi. Hinding-hindi ko kailanman naisip na hindi mo makukuha ang gusto mong abutin. Ikaw pa."

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon