Chapter 15: First time mo? Ako din eh. Haha!

1.2K 32 59
                                    

Be realistic. The chance of mastering something the first time you do it is almost non-existent. Everything takes time to learn and you will make mistakes. Learn from them.

-I don't know who. Haha

Dealing with First Time.

Ibig kong sabihin dito ay yung mga pangyayari na nagagawa mo sa kauna-unahang pagkakataon.

Kakambal ng First Time ang Anxiety.

What is Anxiety? A feeling of worry, nervousness, or unease, typically about an imminent event or something with an uncertain outcome.

Fear of the unknown. Takot ka sa di maipaliwanag na dahilan, takot sa hindi pa nangyayari, takot sa walang katiyakan... and so on.

Ganun naman talaga pag first time di ba? Excitement, takot, anticipation: mixed emotions. Normal na reaction ng katawan sa isang bagay na hindi mo pa nasusubukan, hindi mo napaghandaan, hindi mo inaasahan and the likes. Ang dami kong pasikot-sikot ba't di na lang kasi magshare no? Hahaha.

Share. Hindi ko napaghandaan 'to. Random thinking. Ano ba mga first time experience ko na memorable sakin? Hmm. Yung mga meet-ups halos na-kwento ko na lahat at wala na din akong balak ulitin pa. Kaya magtyaga kayo sa susulpot sa utak ko ngayon.

First time sumakay ng bus mag-isa papuntang Megamall.

Kailan ba 'to nangyari? Year 2012 mga January yata. Imemeet ko ang highschool friend/classmate ko nun. Dahil nga pers time sobrang kaba ako kahit ilang beses na akong binigyan ng instructions ng pinsan ko na titigil din naman ang bus sa mismong Megamall at sasabihin ng kunduktor na Megamall na. Malay ko ba? Sa sigurista ako eh.

Mula bahay mga 30 minutes din ang byahe, 1 ride lang. 1 hour pag traffic. Medyo maulan yata nun. Mga 3pm ako umalis ng bahay. Natatandaan ko pa kasi kakaluwas ko lang ulit nun dito galing probinsya.  Yung time na nagdecide sa bahay na pwede na akong magsarili. Kuno. Hahaha. Kasi hindi din ako nakatira sa tatay kong nasa isang sulok lang din ng Manila ang bahay. Bisi-bisita lang. Nasanay na kasi akong mag-isa. So yun.

Eksena sa bus.

Bago pumasok, tumingin sa driver. "Megamall po?" Tumango ang driver. Akyat, linga ng upuan, tanong sa kunduktor na nadaanan. "Kuya, daan pong Megamall?" Tumango bago inisa-isa ang mga pasahero sa ticket. Pagdating sakin...

"Kuya, magkano po hanggang Megamall?"

"Sandali lang po babalikan kita dyan."

Lumapit ulit ang kunduktor. Nagbigay ng ticket. Ako, nag-abot agad ng pera. "Kuya, Megamall."

"Sandali lang po," sabi ng kundoktor bago umalis ulit.

Sa isip isip ko talaga nun, taenang balik-balik yan nakakasakit sa bangs!

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon