A friend once wrote to me: You are almost everyone's 'the one that got away'. Not just to your exes. Kahit sa friends mo. Mailap ka. Mahirap kang i-contain. You're too free-spirited. Yung tipong minsan akala mo hawak mo na, pero mawawala pa. Yung tipong hindi mo aakalaing iiwan ka. Kahit sabihin pang kailangan. Still, you have to leave and we have to wait.
Nakita ko siya.
Siguro may kalahating taon ko na din siyang iniiwasan. Kahit dati pa naiisip ko din namang magkikita kami unexpectedly sa isang pampublikong lugar pero hindi naman sana ngayon. Hindi ako prepared, hahaha! Kaya nga unexpected eh, tsk. LOL.
Tunay ngang things happen when you least expect it.
Unang beses na nagtanggal ako ng salamin palabas ng bahay. Hinayaan ko ang sarili kong tila tanging mga taong walang mukha ang mga nakakasalubong o nakakatabi ko sa bus at tren. Linggo ngayon kaya magsisimba ako. Gabi pa lang, nagmessage na ang kaibigan kong magdress up daw kami ngayong araw. Walang kaso. Pero plano ko din sanang hindi maglagay ng kahit ano'ng kolorete sa mukha kasi nagkapimple breakouts na naman ako lately pagkatapos kong ma-stress sa exam prep kaya iwas BB cream sana muna. Kaso ewan kung bakit napalagay din ako ng pulang lipstick, eyeliner at mascara. Siguro dahil bukod sa feel ko ding lumandi kanina, fine dining kasi ang kakainan namin pagkatapos ng misa kaya ang off naman kung mas mukha akong haggard sa mga serbidora. Lol.
Hindi pa ako sigurado na siya ang nakita ko pero kasi yung biglang tingin ko sa kaliwa tos may nakita akong nakasalamin. Napa-'wait, huh?' ako. Hindi ko pa pinansin. Sabi ko pa 'non, 'Guni-guni lang te, wag kang ano diyan'.
Pero yung gagung kaibigan ko, halos kalalampas lang namin bigla ba naman sinabi saking... "Oh kamusta na pala kayo ni *insert name here*? Nag-uusap pa ba kayo 'non? Hindi pa din ba kayo nagkikita ulit?"
Bigla talaga akong napatingin sa kanya habang naglalakad. Kasi ang unusual naman na gumuguni-guni moment ako tapos bigla niyang ibo-brought up si Koya diba? Awkward akong natawa. Sabi ko, "Teh, alam mo ba... feeling ko nakita ko yata siya kanina? Kaso hindi ako sigurado?"
Nagulat ako nung malakas siyang tumawa. Yung tawang nakakataenang hayup siya hahahahaha!
Sabi niya. "Actually kaya ko siya binanggit kasi nakita ko siya hahahaha!"
"Gagu. Hindi pa ako sigurado eh hahahaha!"
Tos ayon. Parehas na kaming parang ulol na tawang-tawa habang naghaharutan sa mall. Ewan ko nga bakit kami tumawa eh. Hahaha. Tapos bigla siyang natahimik. Natatawa pa din ako. Hindi ko mapigilan eh.
Bahagya siyang tumikhim. "I think he's dating someone. May kasama siyang babae."
Natawa lang ako. Nakakatawa kasi ang tono niya.
"Pero girllll! Bakit ganon? Bakit ang chaka nung girl?!"
Mas lalo lang akong humagalpak.
"Malay mo naman mabait?" Nakatawa ko pa ding sabi.
"Yan din iniisip ko kanina, pero girl! Hindi talaga eh! Di ba cute naman siya? " Humarap siya sakin. "Hindi mo ba talaga siya nagustuhan? Sayang talaga ang love story niyo. Bagay pa naman kayo."
"Gagu. Makasalita ka parang naging ex? Ex ko ba 'yon te? Hayaan mo siyang maging masaya, karapatan niya yon te! Hahahaha!"
Natawa na din siya. "Oo nga no? Pero yung kasiiii yung girl! Bakit pangit kasi? Huhuhahaha!"
Tumawa lang din ako.
"Pero hindi mo ba talaga siya nagustuhan? Cute naman siya ah." Ulit nito habang nagpapababa na kami ng pagkain non. Nung muli niyang ni-brought up.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved