Chapter 31: Ang paglalandi-- este pagdadalaga ni Diwata

512 17 7
                                    

"Flirting is a promise of sexual intercourse without a guarantee."
― Milan Kundera, The Unbearable Lightness of Being

24:11:15 17:10

Uyyyy curious sila kung paano ako lumandi, hahahaha.

PANGALAWANG ARAW PA LANG YUN. UULITIN KO. PANGALAWANG ARAW. PERO FEELING KO ANG DAMI NANG NANGYARI. HAHAHAHAHA.

I just feel the need to vent this out. So.

Dejk. Seryoso 'to guys, baka maiyak kayo sa pinagdadaanan ko lately. Hirap magkaroon ng madaming true friends lalo na kung unanimous ang decision nila. Hindi ko alam pero pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Hahahaha.

Okay, I'll start. Medyo magulo na naman 'to dahil lagi namang sabog ang utak ko pag nagkukwento, kaya sorry na ha.

Ganito kasi yan.

Pano ba talaga nagsimula ang kaguluhang 'to? Ahhh. Naalala ko one time, bigla ko na lang sinabi sa mga kaibigan ko, (hindi sa PN) napag-usapan yata mga boyfriend-boyfriend nun. Kasi meron akong mga kaibigan at naturingan akong bunso samin kaya ako daw dapat huling magka-jowa, hahaha. Lima kami. Tos niloloko ko sila. Wala namang kaso sakin mahuli eh, hindi ko naman priority yon. Pero yung pinakapanganay kasi medyo choosy talaga. Eh malapit nang mawala sa kalendaryo, haha, sorry sister. Love you! HAHA. Kaya ayon, binigyan ko ng ultimatum. Nagkaroon ng rules.

Ito yung pinakaimportante sa rules.

1. Bawal magkaroon ng boyfriend kung wala pang boyfriend ang nakakatanda sayo. Meaning, kung ako bunso, hintayin ko munang magkaboyfriend silang apat bago ako magkaroon ng bf. Kapag lumabag ka diyan, magbabayad ka ng 1,000php sa bawat isa at ikaw ang magbabayad ng airfare sa next travel destination ng grupo.

2. Merong 2 years para 'maghanap/magkaroon' ng boyfriend. Hahahaha. Sorry di ko alam yung tamang term. Basta ibig sabihin non, kunyari ngayon yung 2 year duration ng panganay na magkaroon ng boyfriend/asawa, kapag lumampas na yung 2 years niya at wala pa din siyang asawa/boyfriend, mapo-forfeit na yung 1,000php fine pag nagkaboyfriend na ang sumunod sa kanya kahit wala pa din siyang bf.

Pabor sakin yang rules, bunso ako eh. In a way kasi alam ko hindi ko malalabag yan, hahaha. Tos kapag nagkanda-leche leche yung apat, sure ball yung apat na libo ko, hahaha. Tos tutubo pa yun pag umulit sila in between. LOL. Tsaka mautak ako eh. Kaya alam kong malulusutan ko yang mga rules na yan, ako din naman pasimuno. HAHAHAHA.

Sa rule number 2 naman medyo dehado ako ng konti. Imagine naman maghihintay ako ng humigit kumulang walong taon, bago ako pwede magboyfriend? Nuuuu!

Pero keri lang, sabi ko nga 'di ko naman priority. Pero niloloko ko sila. Daming loopholes ng rules na yan eh ewan ko kung alam nila. If hindi pa, then malalaman na nila ngayon dahil dito hahahaha.

Isa lang bibigay ko, secret yung iba. HAHAHA.

Sorry puro tawa talaga 'tong diary ko. Sensya na, pero tandaan mo na lang na nakikibasa ka lang kaya wag kang magulo, okay? *winks

Uhm. Ayon. Yung loophole na... Pwede pa din ako magkaroon ng boyfriend. Syempre, hindi kami pwede maging official. Sasabihin ko sa kanya--kay prospect bf na ayoko ng commitment. Nagseseryoso ako sa studies, ganon. Lagi namang epektibo yang studies bilang reason. Walang kukwestiyon diyan wag ka lang niyang makitang may kalandiang iba. HAHAHA. So pwede ako makipagfling tos kapag alam kong official na silang lahat, yung mga nakakatanda, pwede na kaming maging official magboyfriend. I-explain ko na lang ng maayos sa bf ko. Kailangan niyang indintihin yan kung gusto niya talaga ako, hahahaha. Ang bad lang. Dejk.

Anyway, moving on. Hindi talaga yan ang reason bakit ko sinulat 'to. Background pa lang yan. LOL. Fast forward sa kasalukuyan, ay wag muna pala. HAHAHAHA. Ang gulo ko, tae. Ano, bale. Mga a month ago yata, medyo stressed ako non 'tos I blurted out na bigyan naman nila ako ng makakausap. Lalaki. De yung akin kasi non, gusto ko lang may makausap talaga na someone new. Pero lalaki talaga gusto ko eh no? HAHAHAHA. Basta, gusto ko lalaki kausap ko 'non bakit ba?! Anyways... Ang problema, alam nila na mahirap makipag-usap sakin. I mean syempre, hindi ko naman ikakaila na bukod sa pagiging weirdo, madali talaga akong ma-bore sa conversations. Sobrang unpredictable kong mag-isip. Kaya nahirapan din silang maghanap ng tingin nila 'kayang makipagsabayang kausapin ako'. Medyo hindi ko na din gets minsan, baka alien na'ko. Lol.

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon