Chapter 8: Freaks in the City Part 2

1.5K 48 79
                                    

“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”

― Eleanor Roosevelt

Enchanted Kingdom

Ngiting- ngiti kami ni Ren. Picture-picture. Naghihintay na magbukas ang EK. 11am pa pala mag-oopen at kailangan pa namin maghintay ng halos 30minutes.

"Hay buhay, grabe, three times na lingon ko naghahalikan pa rin!" badtrip na komento ni Ren.

Nilingon ko ang sinasabi niya. Naghahalikan nga. Hanep. Sa kasikatan ng araw? At hello? EK to ha, Rated PG lang?

"Sabihan mo na maglatag muna sila ng mat hahahaha!" sabi ko para mawala inis nito.

"Tss"

"Baka naman bago pa lang sila. Lam mo na, new lovers. Hindi nila ma-contain yung isa't isa. Pasensyahan mo na lang at huwag ka dun tumingin para huwag ka magkasala," sabi ko.

"Baka nga," at hindi na nga ito tumingin.

Grabe talaga mga PDA na mga tao. Minsan nakakainis na pero wala kang magagawa, isipin na lang natin na masyado silang expressive sa kanilang pagmamahal. Hahahaha.

"Gusto ko talagang puntahan next time yung Sagada," Ren

"Gusto ko pag pumunta ako dun kasama ko boypren ko, db kasi malamig dun? Hahahaha!" Ako

"Para mo na din sinabing ayaw mo pumunta dun," sabi nito at tinignan ako ng masama.

"Gusto ko pagbumalik ako dito sa enchanted kasama ko din boypren ko, hahahahahaha!" Ako

"Tae ka! Hahahahahaha!" Ren

"Syempre etios laaangs, duh! Hahahahahahaha!" Ako.

Makapasok na nga lang sa loob ng malibang. We're talking nonsense again. Hahahahaha!

Sa totoo lang, bangag na ako. Halos 5:30am na kami nakauwi kanina at 7:30am ako gumising para mag-ayos dahil 9am dapat sasakay na kami ng bus pa-EK. Magja-jogging pa dapat ako ng 5:30 kaso ano, patayan na lang? Baka habang sumasakay ako ng rides, sa sobrang wala ko sa sarili liparin na lang ako bigla ng hangin. Halos wala na nga ako sa sarili ngayon. Apat kaming magkakaibigan dapat kaso nauna kami ni Ren ng konti. Una naming sinakyan yung Roller Skater. Natuwa ako. Masaya. Kaso bitin kasi isang round lang. Mabuti wala masyadong tao kahit Sunday, hindi kasi maganda masyado ang panahon, maya't maya umuulan. Kaya inulit ko to. Bitin eh. Hahaha.

Extreme. Yun yung nakaupo kayo tapos aangat kayo sa pinakamataas at biglang bagsak, yun yun. Dito ako napamura. Punyeta to the max talaga! Ito yung pagbiglang bagsak eh akala mo naiwan ang gravity ng katawan mo kung saan. Tingin ko talaga naiwan ko kaluluwa ko sa taas. Habang unti-unting bumababa yung paa ko pagkatapos ng biglang bagsak parang lutang din ang utak ko. Grabe! Nung naglalakad na nga kami ni Ren parang hinang-hina pa rin ang tuhod ko eh. Tinignan ko pa nga ang semento kung may nalaglag na internal organs ko. Leche lang. Hahahaha.

Anchor's Away. Ayaw ni Ren dito. Natatakot daw siya. Ano yun gaguhan? Ba't pa kami pumunta? Pinilit ko siya syempre. Gusto kong sulitin lahat no. May lakad pa ako ng 7pm. Tsss. Medyo extreme din to. Sa una parang gradual hanggang sa inaangat ka na parang tatapon ka anytime. Hahahaha. Nakakatuwa talaga. Tawa ako ng tawa dito. Si Ren puro

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA", Ren

"Ren, open your eyes," ako

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA", Ren

Ma VieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon