Love yourself enough to live a healthy lifestyle. :)
19:10:15— 3:10AM
Because I can't sleep dahil lumaklak ako ng caramel macchiato para ma-stand ko ang lamig habang naghihintay ng bus kanina for an hour.Walang humor dito ngayon kundi puro kababuyan, medyo rants at halos sabog na kwento. Gusto ko lang talagang ibahagi ang nangyari kanina. Kaya pasensya na kung medyo wala kayong ma-grasp na aral dito bukod sa gugulo lang yata utak niyo kakaintindi kung ano'ng utak meron ako, hahahaha.
Potato. Oil. Salt. What else does a French fries have in common, right? Let's just say na kaibahan lang ng konti ang composition ng famous McDo fries niyo dahil ang dinig ko ay may "...citric acid, dextrose (a type of sugar used to achieve the fries' uniform golden colour), corn oil, something called "natural beef flavour", hydrolyzed wheat, hydrolyzed milk..." (from goodfood Australia article) kaya lubhang madami ang nasasarapan. Basically, unhealthy. But anyway, halos lahat naman ng fast food, lol.
I know this may sound OA pero if you're reading all of my entries here, malamang nabasa niyo sa first chapter pa lang na I don't eat fries. Hindi gaya ng manok, hindi ako allergic sa fries. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko masikmura ang fries kahit ano'ng klase pang pagluto. Sa totoo lang iniisip ko talaga na ang arte-arte ko lang. Masyado lang akong mapili. Na psychological lang lahat 'to. Pero hindi eh. Hindi ko sure kung nabanggit ko na 'to before na kumain ako one time sa Taco Bell ng paborito kong quesadillas then I tried a different flavor. Yung cheesy beef. Nagkataong meron pa palang potato (cooked like fries in cubes, sorry forgot the name/how it's called) sa loob non. So ang nangyari, pagkatapos kong maubos ang quesadillas without knowing na may fries sa loob, na-LBM ako pagkauwi.
Tos eto na naman. Nangyari na naman ulit today. Hays.
Minsan nagtataka ako sa sarili ko kung bakit sobrang matulungin ko sa iba, hindi ko matulungan sarili ko sa paglaban sa katamaran kong mag-aral. Hahahaha. Kanina lang, gumising pa ako ng alas otso y medya kahit Linggo, walang pasok-- para lang bumiyahe ng 45 minutes papunta sa bahay ng isang kaibigang due ang online exams niya. Kelangan niya kasing pumasa. I mean, nagmamadali na din siyang grumadweyt sa online class niya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niya ng tulong ko, eh tingin ko naman kaya na niya. Anyways, ayun. Dumating ako ng quarter to 11AM sa place niya, tulog pa siya at pinaghintay ako sa convenience store sa baba ng condo niya. Just great.
Dejk. Wala namang kaso sakin, kasi hindi niya naman ako pinaghintay ng matagal. Pero medyo gutom na din ako nun. At okay lang ulit kasi pagkaakyat namin sa condo niya, nag-order agad siya ng pizza. Hahaha. Obviously, kagigising lang niya non. May miscommunication pa kami kasi akala niya pala 12noon ang dating ko.
I was planning to stay until 4 or 5PM kanina dahil after non ay may guitar sesh naman ako sa another kaibigan. Galing no? Puno sched ko sa makabuluhang bagay, pero yung pag-aaral ko, hahaha. Wow. Tos eto, may gana pa talaga akong magsulat sa diary. Bakit ba? Kung kelan ako nagdecide na umpisahan ang online review ko, hindi ko naman ma-access code ko eh. Tagal mag-email sakin nung verification. Tss.
Going back, what happened at umabot ako ng 12MN sa pag-uwi? Hmm. Ayun. Etong kaibigan ko kasi pagkatapos namin kumuha ng exam niya, nag-aya manood ng sine. Sino ba makakatanggi sa libre? Jusko $15 kaya ang sine dito, tos syempre libre din pagkain ko diba? Ang puhunan ko lang talaga kanina ay ang kasipagan kong gumising ng umaga at medyo yung stocked knowledge ko sa exam niya, hahaha. Kaya tinext ko na lang ang isang kaibigan ko na bukas na lang kami magsesh.
Speaking of exam. Up to 71 items yun at kailangan niya lang magkaroon ng 60% to pass. So he needs at least 43 correct points. Given na mahirap at madami ang coverage ng exam niya. And of course, two heads are better than one nga diba? Ayun, pumasa naman siya pero parehas kaming bahagyang na-disappoint kasi 65% lang ang nakuha niya, hahahaha. Siguro masyado lang kaming nakampante. Besides, ang importante naman diba ang pumasa? Ako nga passing lang lagi hinahabol ko eh. Hindi naman nagmamatter dito ang score or grades mo in the end--which is one of the things I like here. Moving on, gagraduate na nga 'tong si friend at syempre, gustong magcelebrate kaya nag-ayang manood ng sine.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved