"I enjoy just thinking about you. I enjoy even more texting you, but the thing I enjoy most is being with YOU."
-Anonymous
SECOND YEAR COLLEGE
"Sino nga ulit yung crush mo Ne?" tanong ni Ish.
"Hindi ko naman alam pangalan nun eh," sabi kong nangingiti habang kumakain ng cornetto.
Hayyy. Nangingiti talaga ako tuwing naalalala ko siya. Ewan ko ba kung bakit parang sinasapian ako kapag siya pinag-uusapan. Landi eh noh. Hehehe.
"Siya ba yun?" tanong ni Ish habang inaayos ang salamin.
"Huh?!"
Napalingon ako. Na-freeze yata lahat ng ugat ko. Namula buong katawan ko at kinabahan ako bigla. Siya nga. At wala ng iba. Oh my! Ang cute cute niya. Para siyang si Wu Chun!
Hayyy Wu Chun. Bakit kasi ang ilap mo?
Tsktsk. Parang may ginagawa ka Neng eh wala naman, sabi ng isip ko.
"Ne? Ne? Wuyy! Yung ice cream mo! Para kang timang diyan," naiiling na sabi ni Ish.
"Ano ba migz? Wala no," patay-malisya kong sabi.
"Ne, pupunta yata dito, 3 o'clock," biglang sabi ni Ish.
"Ha? Damn! Wag ka ng tumingin! Utang na loob! Huwag kang maingay," sabi ko.
Parang nawalan ng lasa ang ice cream. Ni hindi ko na magalaw.
"Ang OA? Kilala ka te? Kilala?" tanong nitong natatawa.
"Ahehehehehe. Malay mo," nang-aasar kong sabi. O.o
"Sa Nursing, pwede pa. Eh H-I-N-D-I yan NURSING ne," natatawa ng sabi nito.
"Ahhhh, naman eh, malay mo nga!" asar-talo naman to oh.
"Ma'am..excuse lang po, lilinisin ko lang ang table niyo..." anang tinig.
Hindi ako tumingin. Hindi ako lumingon. Pinandilatan ko si Ish. Nagsign language ako ng nguso ko. Ang mata ko nagsasabing siya na kumausap. Ewan ko kung nagets niya. Umikot na yata buong eyeballs ko. Imaginin niyo na lang kung pano maging instant mongoloid. Ako na yun.
\(O.o)/
Peste. Nanigas na yata leeg ko.
"Ha?" sabi ni Ish. Sinipa ko paa niya. "Ahhh, sure, sure. Go lang. Ne, ano alis na ba tayo?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved