“We never know which lives we influence, or when, or why.”
― Stephen King, 11/22/63
Naranasan mo na bang ma-late sa klase?
Malamang, oo ang karamihang sagot. Ipokrito ka kung hindi ka kailanman na-late. Ang mga ganung tao ay hindi nagbabasa ng ganitong klaseng libro. Kasi perfectionist ka. Pwera na lang kung gusto mo lang talagang basahin para pintasan ang gawa ko. Huwag mo na lang iparinig dahil iyakin ako. Hehe!
Kung naranasan mo ng ma-late, congrats! Isa ka ngang normal na estudyante. At dahil dyan, may isa pa akong tanong,
Naranasan mo na bang ma-late na may long quiz kayo kinabukasan?
Ang susunod na pangyayari ay isa sa mga hindi ko makakalimutan sa college life ko.
Third year college ako nun. Nursing student. Third year college yata ang pinakabusy at pinakamahirap na year sa Nursing. Ewan ko lang sa ibang school. Kasi sa amin, nahirapan ako. At yun din sabi ng mga kaklase ko at ibang ka-batch ko. Oo, tinanong ko din sila. Yun na din kasi yung time na puro major subjects na. Hindi ko pa naman masyadong gusto ang course ko. Pero nextime na natin pag-usapan kung bakit. At yung mga professor namin, kung hindi college deans, clinical coordinators, guidance counselor, pari, eh mga terror naman.
Ewan ko ba kung bakit napupunta samin ang mga prof na kinatatakutan ng lahat. Yung pag tinanong mo yung higher years sasabihin sayong, "Hala mag-ingat kayo! Mababa magbigay ng grades yan! Nambabagsak yan!" Madali pa naman akong maniwala. Siguro sa Nursing lang ako lagi nauuto. Lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko, takot din akong bumagsak.
Hindi ko man masyadong gusto ang course ko, mas lalong hindi ko kayang idisappoint ang family ko. Tsaka mas lalong malalaman nila mga kalokohang pinaggagagawa ko sa school pag nagkataon. Kaya tuwing naririning ko yun, kinakabahan ako sa prof ko sa unang beses na kita pa lang namin. Siguro kasi uso sa kanila ang pretest at hindi uso sakin ang advance study. Pero tuwang-tuwa na ako pag nakascore ako ng 5 out of 10. Imagine? May stock knowledge pala ako? Bago yun ah! Malagay nga sa diary.
*Sulat, sulat!
*Erase, erase!
Diary ko nga pala to. Tanga lang? Hehe
Gusto ko ngang maiyak sa tuwa nun eh. Parang sarap ipa-laminate ng 1/4 sheet of paper mo, pangremembrance man lang.
Tapos biglang malulusaw ang kasiyahan mo ng malaman mong ang highest sa room niyo nakakuha ng 9 out of 10 at ang lowest ay 4. At sasabihin pa ng prof mo na 80% ang passing score at dapat nakakuha ka ng 7 out of 10. Tapos titignan mo ulit yung papel mo na parang ano mang oras bigla madadagdagan ang scores mo dun. Gawin man lang 6.
Kung pakonswelo man ang pagkakaroon ng 4 na score kasi second to the lowest ka, kailangan ko na ba ulit magdiwang? Yan minsan ang mahirap kapag puro matatalino mga kaklase mo. Pag kasama mo sa classroom galing sa kung saan saang probinsya, kung saan saang private at public school at mga achievers din ng kani-kanilang eskwelahan. Ganyan kasi ang klase ng environment ang meron kami. Hindi maiiwasan ang kompetisyon. Pataasan ng scores, pataasan ng grades. Lalo na sa amin na ang sectioning ay nakabase sa average mo. Ranking.
BINABASA MO ANG
Ma Vie
RandomContraindication: Children below 13 years of age are prohibited to read this. © 2015 Cursingfaeri All Rights Reserved