Same Skies, Safe Skies - 17th January

13 0 0
                                    


Same Skies, Safe Skies – a story inspired by one of my favorite books


Bumuntong huminga ako nang pagkababa namin ni Mike ng sasakyan. Napangiti ako. Nandito pa siya. Dali-dali akong pumunta papunta sa likod ng sasakyan kung saan ibinababa niya ang iba naming gamit na kakailanganin para sa camping. Malapit na ring magdilim kaya tinulungan ko siya sa pagbaba ng mga gamit para mapabilis kami.


Parang nung isang araw lang ay birthday ko, pero bukas na ang alis niya. Nasa huling destinasyon na kami ng pinlano niyang bakasyon. Una ay pumunta kami sa isang resort sa Laguna, tapos nag-hiking kami. Hindi pa siya nakuntento kaya matapos ng mga araw na iyon ay nagpunta rin kami sa probinsya ng isa't isa. Pumunta rin kami ng Baguio kasi hindi pa ako nakakapunta roon. Tapos ito na kami ngayon, sa Bataan, magca-camping at muling wawaldasin ang mga natitirang oras na kasama ko siya.


"Uy," Napalingon ako kay Mike nang sikuhin niya ako habang naglalakad kami. Tinaas ko ang kilay ko. "Anong iniisip mo?"


"Ah, wala. Natutuwa lang ako kasi ang dami nating napuntahan recently. Ang saya lang isipin."


Mike never liked it when I was crying, or hurting, or even when just thinking about him leaving. He never wanted the drama. Para na rin naman 'yon sa ikabubuti ko 'di ba? Kaya sinakyan ko na lang. Kaso ngayong huling araw na kasama ko siya, hindi ko na mapigilang isipin. Ayoko naman sabihin sa kaniya dahil ayokong malungkot siya. Although I know he's thinking about it too. It's just that natatakot akong malungkot lang siya lalo kapag sinabi kong ganoon din ang iniisip ko.


"Sinungaling ka talaga, Kelsey. Alam ko iniisip mo." Sabi niya at tumawa. Binilisan ko na lang 'yung lakad ko nang iwasan siya hangga't makarating kami sa paroroonan. 


Mukha siyang bangin, pero hindi nakakatakot. Nakakamangha pa nga. Ang daming punong nakapaligid tapos may talon pa kaya nakaka-relax 'yung paligid. Kahit mainit dahil sa araw, sumasakto pa rin 'yung klima kasi nagdadala ng lamig 'yung talon. I could clearly see the sun setting too. I gently dropped our bags to observe the place some more.


"Kelsey, I'll stay if you want." Napalingon ako.


"Mike, we already talked about this so many times. Dati, ako 'yung naghahabol na dito ka na lang pero you didn't want to, tapos ngayon ikaw magsu-suggest niyan. Your dream is in New York, baby. I was too selfish back then to ask you to stay. Ayokong maging dahilan ng pagdapa mo, Mike. Please, do this for me. Don't ever ask to stay again, and don't stay. Chase your dreams, okay?"


Mike just stared at me and slightly smiled. Nagsimula na siyang mag-set up ng tent so kumilos na rin ako para tulungan siya. Although I didn't have an idea how to set up one of those kaya naisip kong maghanap na lang ng kahoy na pwedeng gawing bonfire lalo na't lumalamig na ang paligid. Para na rin maiinit ko 'yung mga dala naming pagkain.


I'd love for Mike to stay, but it will be too selfish and impulsive if he will stay. I know he just wants to stay because he's too attached already. Kapag hindi siya umalis, he'll be giving up his dreams and plans. Ako 'yung magiging rason kung bakit hindi niya natupad lahat ng pangarap niya if ever. But, attached na rin naman ako sa kaniya. Mahal ko siya e. I love him. But those are not the words we have the courage to say sa isa't isa. We just feel it, but we never got brave na sabihin 'yon. Sino ba naman ako para sabihing mahal ko siya? After all, I'm the one who said na aalis din naman siya so might as well just have a no-label relationship instead.

Sun and MoonWhere stories live. Discover now