Lumaki akong napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga libro
Kung paano manligaw ang kalalakihan sa mga dalaga
Kaya naman saulong saulo ko na ang linyahang, "susungkitin ko ang mga bituin para sa'yo."
Nakakakilig naman 'yon noong una, pero hindi na ngayon.
Ako, hindi lang ako susungkit ng mga bituin
Gagawa pa ako ng konstelasyon
Kita mo 'yang mga ngiti mo, tawa mo, lalong lalo na 'yang mga titig?
Lahat-lahat 'yan, gagawin kong maganda at malaking konstelasyon
Pati 'yung mga ayaw mo sa itsura mo
Kasama 'yan sa mga rason kung bakit kita gusto
Kaya hindi ako papayag na hindi ko sila bitbit kapag lumipad ako
Hindi ka naman kasi maliwanag na tala lang e
Mukha lang
Kasi ang totoo, binubuo ka ng isang milyong bituin
Lahat ng tungkol sa'yo ay kumukutitap
Kaya ang liwanag mo
Umiilaw ka at kaagaw-agaw pansin.
Sabi ko sa'yo, gwapo ka
Ayaw mong maniwala
Okay, sige, edi pogi
Ewan ko na lang kung ayaw mo pa rin
Kasi totoo namang pogi ka
'Yung mga mata mo ang nagsisilbing bituin kapag gabi na
Tapos 'yung ngiti mo ang nagsisilbing araw kapag umaga na
Hindi nabubuo ang araw ko nang hindi ka nakikita.
Pati 'yung sa mga ugali mo
'Yung mga ayaw mo sa ugali mo
E 'yan nga 'yung pinakarason kung bakit nahulog ako sa'yo
'Yung pag-iisip mo, mga opinyon mo at mga prinsipyo mo
Kahit naman sabihing nating pangit 'yung ibang parte niyan
Isa 'yan sa mga ugaling kinasanayan at kakasanayan ko pa
Na hindi ko kakayaning hindi maka-engkuwentro
Sa araw-araw na buhay ko.
Kaya huwag kang masyadong mawalan ng kapanatagan
Kasi ako, gustong gusto kita
Ay hindi gusto, mahal pala!
Kaya ayan, gagawan kita ng maganda at malaking konstelasyon
Para makita mo
Kung gaano ka
Kaganda.
YOU ARE READING
Sun and Moon
Non-FictionJust like the sun; she's glowing and shining. A bright red color that symbolizes passion and fierceness. Until she meets someone just like the moon; peaceful and subtle. He's understated and he's there. She's there.