The Comic - 26th February

15 0 0
                                    


"Kelsey, tapos na kami sa comics ni Freya. Pa-chat na lang kung may ipapa-edit ka pa ha? Bye!" Sabi ni Samantha habang sinasakbit na 'yung bag niya sa balikat at dali-daling umalis. 


Napabuntong-hininga ako nang makitang hindi comics 'yung ginawa niya. Parang simpleng graphic design lang. Sinulat ko na agad sa sticky notes ko 'yung mga kailangang baguhin para hindi ko na iisipin mamaya kapag chinat ko si Samantha. Dinikit ko agad 'yung sticky notes ko sa reviewer ko at niligpit ang mga papel kong nagkalat sa desk ko.


"'Yan na ba comics natin?" Napatingala ako nang marinig ang boses ni Mike. Isang strap lang nung bag niya 'yung nakasabit sa balikat at nakabulsa 'yung kaliwang kamay habang 'yung kanan ay nakahawak sa phone niya.


"Ah, oo-" Kinuha agad ni Mike 'yung kopya ng infographic para tingnan, kaso tinitigan niya ako nang matagal pagkatapos. Umiwas na lang ako ng tingin at nagligpit pa ulit.


"Satisfied ka na dito?" He asked. I shook my head as a straightforward response. Nang matapos na akong magligpit ay tumayo na ako at kinuha sa kamay niya 'yung infographic para itago. Sinabit ko na rin 'yung bag ko sa kanang balikat habang 'yung sweatshirt ko ay nasa kaliwa.


Naglakad na ako palabas nang maramdaman kong sumunod sa'kin si Mike hanggang makarating ako sa gate. Kinunutan ko siya ng noo.


"Don't tell me, ihahatid mo ako?" I joked.


"Ulitin natin 'yung infographic, chat kita mamaya." He said and left. Lalo lang napakunot 'yung noo ko kasi hindi man lang siya nag-respond sa joke ko. I rolled my eyes and went home na lang. 


Bago umuwi, bumili muna ako ng meryenda malapit sa Beda, para makakain pagkauwi. Sa Beda na rin kasi banda 'yung dorm ko kaya doon na ako banda madalas kumain o bumili ng pagkain. Marami rin namang karinderya dito kaya okay lang kapag tinamad ako magluto. 


Pagkabili ko, dumiretso agad ako sa dorm at kumain. Pinakuluan ko na rin 'yung niluto kong ulam kagabi. Buti na lang at naisipan kong magluto kagabi, magiging busy pa naman ako. Nagsaing na rin ako, kaya habang naghihintay e nag-shower na rin ako para makabalik sa school works.


I sighed. It's been a month na mag-isa lang ako sa dorm and I'm still not used to it; being alone. I love being alone, it makes me calm and peaceful. Pero iba pa rin talaga 'yung ingay ng mga utos at bangayan sa away. Nakakairita, pero ramdam mo 'yung home.


Napasulyap ako sa phone ko nang may mag-notif.


Mikheal Sanchez: Nasaan ka?


Kelsey Santos: Dorm HAHA?


Mikheal Sanchez: Puntahan kita.


Nanlaki ang mga mata ko at napatingin agad sa paligid. Medyo makalat kaya matik akong napatayo at nagligpit habang nagty-type sa phone.


Kelsey Santos: Okay, Moon Suites sa 2nd Street. Malapit sa Beda


Sun and MoonWhere stories live. Discover now