Finally - 3rd March

17 0 0
                                    


"Sis, I literally don't know where I am. Come to me, wala akong alam dito sa New York!" Padabog kong sabi. "Please?"


[Fine. Pasalamat ka, newbie ka sa New York.]


Bernice immediately ended the call so I just patiently stayed at my spot to wait for her.  I gently bit my lower lip, all in every minute hoping to see him. Well, you can't blame me. Siya rin naman ang rason why I came here.


Napalingon ako sa kanan ko nang makaamoy ng pamilyar na pabango, and saw Bernice. Unlike from our last get together, maigsi at straight 'yung buhok niya. Ngayon, mahaba na, kulot at kulay brown. I smiled to her at sinalubong siya with a hug.


"I'm so happy to see you, kahit pinahirapan mo akong maghanap!" I chuckled with what she said.


"Sorry na! Wala bang free pass sa pasensya mo 'yung bago-bago lang?" Tanong ko. Kinuha niya 'yung isa kong bag then she clung to my arm at nagsimula na kaming maglakad. Hinila ko na lang 'yung maleta ko from behind. 


"Ewan ko sa'yo, Kelsey. Puro ka pa rin joke. Hoy, college na tayo! Magbagong buhay ka naman!" Sabi niya at tumawa. "Bakit ka nga ulit nag-New York?"


"A-ano, change of plans lang."


"Wait, so dito ka na magco-college? Oh, my God! Mag-apply ka sa school ko, you know my school naman 'di ba? NYU? Kayang kaya mo 'yon, mas matalino ka sa'kin e. We can share dormitories na rin para hindi ka mag-isa sa baha-"


"No, I kind of dropped out." Napatigil si Bernice sa paglalakas with a wide gap between her lips, so I awkwardly stopped too. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao kasi we literally stopped in the middle of the sidewalk.


"What? Hoy, are you telling me na one of my high school's brightest students is dropping out? Pero why?" I continued walking at nauuna na ako kaya hinabol ako ni Bernice. "Hoy, sa bahay ko ikaw mags-stay, huwag mo akong iwan! Alam mo bang pumunta doon, ha?"


"To be honest, I just don't see my future anymore. Kilala mo ako dati and I always knew what I wanted and who I wanted to be. Pero ngayon, naliligaw na ako. So I decided to take a break muna until I figure it all out agian. Naisip ko na ring maghanap ng trabaho dito kahit low paying lang muna. I just need a whole break from everyone din talaga."


I'm not lying. I know I said that he's the reason why I came to New York pero 30% of the reason is that I'm tired and I wanna take a break from everyone. I finally admitted to myself na siya 'yung pahinga ko and siya 'yung missing piece sa buhay ko kaya I've been feeling this way. I just need to get this out of my chest, I need to see him. Pero gusto ko siyang i-surprise.


I smiled to the thought.


"Grabe, hindi ako marunong mag-comfort pero I hope makuha mo 'yung rest na deserve mo. Pero to be honest, nanghihinayang ako! Babalik ka ba sa school?"


"I don't know pa. Let's see. Baka kasi mamaya maging successful din ako agad even without a degree, 'di ba?" I said.

Sun and MoonWhere stories live. Discover now