Kabanata 3.
It was already evening when we came back to my house. Nilingon ko si Soran, tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay. May bitbit siyang mga lumang libro na halatang pinulot lamang sa basurahan. Nagdala rin ako ng madaming dyaryo para kapag natuto na akong magbasa ay naisip kong maganda kung alam ko din ang mga balitang nangyari nitong mga nakaraan.
The letters in this kingdom is different from the letters I knew. Siguro dahil exclusive lang sa mga angels ang letters na alam ko. Kaya hanggang ngayon ay hindi ako marunong magbasa at magsulat.
Nang makapasok kami sa maliit naming bahay ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala ang aking tatay. Mukhang wala pa talaga iyon balak na umuwi.
My house is a bit small. May dalawang kwarto na ang kasya lang ay isang kama at kabinet. But it was already enough for me.. Mahirap lang kapag umulan dahil maraming butas na ang bubong. Pero mas okay na ito kaysa sa lugar na tela lang ang masisilungan.
"Soran, your room is next to my room." Nakangiti kong pahayag habang nakaturo sa kwartong tinutukoy ko.
Walang pintuan ang dalawang pinto. Tanging kurtina lamang ang harang sa pintuan.
"Give me the books. I'll put it in my room," pahayag ko kay Soran dahil mukhang hindi niya alam kung saan ipapatong ang mga librong hawak niya.
"No need. Let me," saad nito bago pumasok sa aking kwarto.
Napangiti naman ako bago tumango-tango. What a sensible little kid. Look at him and look at his corrupted soul. He's lucky that he's still sane right now.
Sigurado ako na kung ibang tao iyon na may nakakatakot na corrupted soul ay baka matagal na silang nabaliw. Lalo na ang corrupted soul na katulad ng sa kaniya.
He acts like an adult and the only childlike about him is his body and voice.
Nang makalabas si Soran sa aking kwarto ay tahimik lang itong naupo sa may harap ng lamesa dahil bukod sa mga upuan sa may lamesa ay wala ng ibang upuan sa maliit na sala namin.
"Are you thirsty? Do you want water?" tanong ko kay Soran bago ako nagtungo kung saan nakalagay ang balde ng tubig. Tinaggal ko ang takip non bago ko nakitang wala na iyong laman.
Nangunot ang noo ko bago ako nagtungo sa may lamesa at tsaka ko lang napansin na wala na ang nakapatong na pinggan doon na may laman na kalahating tinapay.
I know it's my father. Hindi ko inakala na umuwi siya kanina at hindi lang iyon. Inubos niya pa ang tinapay at ang natitirang tubig. Mukhang nakalimutan niya na may anak siyang kailangan buhayin.
Napaangat ako ng tingin nang maramdaman kong may nakatingin sa akin at sakto naman na nagtama ang mata namin ni Soran. Mukhang kanina niya pa ako pinapanood.
Pilit akong tumawa bago ako napakamot sa aking batok. I am a bit ashamed.
"Looks like we run out of water. Don't worry, let's sneak in later at midnight—"
"Let's go right now. We don't have food but we can just drink a lot of water tonight," pahayag ni Soran bago ito tumayo at binitbit ang balde.
Nag-aalala ko naman tiningnan si Soran. I thought he's already tall enough but he's still just a small kid. Mukhang mahihirapan din siyang magbuhat ng balde ng tubig.
"But we don't have money," saad ko sa kaniya.
"How much?" tanong agad ni Soran.
"1 coin of copper," sagot ko sa kaniya.
Tumango si Soran sa akin bago ito nagsimulang maglakad palabas.
"You have money?" Mabilis kong sinundan si Soran.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022