KABANATA 41

6.6K 445 44
                                    

Kabanata 41.

Hinatid namin nina Rina ang batang bumunggo sa akin. Nang makarating kami sa carriage ay saktong lumabas ang isang matandang lalaking nasa late 30's sa isang shop.

"Good day, Sir. Is this your son?" tanong ko dito. Hindi ko sigurado kung siya ba si Baron Rejie Garkin o hindi.

Tumingin sa akin ang matandang lalaki bago bumaba ang tingin nito sa batang kasama ko.

"Ah, yes." Nakangiti nitong sagot sa akin. "Come here, Alfred."

"This boy is afraid of strangers but he seems to like you. He's a bit timid. Thank you for bringing him back," baling sa akin ng matandang lalaki kaya ngumiti ako.

"Your welcome, Sir."

Muli akong tumingin sa batang si Alfred. Napansin kong nakahawak pa rin siya sa aking kamay.

"Afraid, come here. You can't bother this beautiful young-lady anymore." Malambing na saad ng matandang lalaki sa kaniyang anak.

Nag-angat naman sa akin ng tingin si Alfred bago niya ako nginitian.

"Can I marry you?" tanong bigla niya sa akin kaya agad akong natigilan bago ako mahinang natawa.

"Alfred, I don't want to break your little heart but I already have someone I will marry." Mahinahon kong paliwanag sa batang lalaki.

"Really?" nakasimangot na saad ni Alfred. Tumango ako.

"Yes, but if you want, you can go to my wedding. I will give you an invitation. But first, you need your father's permission."

Matapos kong magsalita ay hinawakan ko ang buhok ni Alfred at mahinang ginulo iyon. What a cute young-lad.

"Father, can I go?" baling ni Alfred sa kaniyang ama. Tumingin naman sa akin ang matandang lalaki kaya agad akong nagsalita.

"Sorry for late introduction. I am Linivi Yira Saavin, daughter of Grand Duke Saavin." Nakangiti kong pagpapakilala at yumuko rin ako saglit.

Napakurap naman ang ama ni Alfred bago ito mabilis na yumuko sa akin.

"I am Baron Rejie Garkin. It's nice meeting you Young-lady."

Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan niya. Siya nga talaga si Baron Rejie Garkin.

"Father, can I go?" tanong muli ni Alfred.

"Yes, of course. The lady invited you herself so you must go," nakangiting pahayag ni Baron Garkin.

Pagkatapos namin magpaalam sa mag-ama ay bumalik na kami nina Rina at Fline sa may carriage. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana, hindi ko mapigilan na pagmasdan ang Mandian City. Familiar talaga iyon sa akin pero kahit anong pilit kong isipin kung bakit iyon pamilyar ay hindi ko magawang malaman ang sagot. Sa huli ay tumitig nalang ako sa may labas hanggang sa makalabas kami ng Mandian City.

Nang makabalik kami sa Hashana residence ay sinalubong ako ni Brother Charton. Bumalik na si Fline sa kaniyang kwartong tinutuluyan at si Rina ay nakasunod lang sa akin.

"Grandma is waiting for you." Iyon ang bungad sa akin ni Brother Charton kaya agad akong nagpunta sa bedroom ni Grandma.

Nang makarating ako ay hindi na sumunod sa akin si Brother Charton. Si Rina ay nagpaiwan sa labas ng bedroom ni grandma.

Nang makapasok ako ay nagtungo ako sa may kama kung saan nakahiga si Grandma.

"She's sleeping," saad ko sa aking sarili. Siguro ay nakatulog siya dahil sa paghihintay sa akin.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon