KABANATA 36

6.7K 485 84
                                    

Kabanata 36.

Muli akong natigilan dahil sa pangalan na lumabas sa aking bibig. Napatitig lang ako sa mata ng lalaking nasa harapan ko.

Napakurap lang ako ng hindi ko na makayanan ang titig niya. Muli akong napatingin sa kaniyang wrist na may malalim na hiwa. Natataranta kong inilapag sa lupa ang lampara.

"Did you do these? Or did omeone hurt you?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nilabas ko ang punyal kong dala at pinutol ko ang ibabang parte ng dress ko. Nang mapunit ko iyon ay agad kong hinawakan ang kaniyang kamay.

Marahan kong tinali sa kaniyang pulsuhan ang tela. Diniinan ko iyon para tumigil na sa pagdugo. Nang matapos ako ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Muli kong tiningnan ang lalaki sa aking harapan. May malay pa naman siya pero hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at medyo kumikirot din iyon na para bang maiiyak ako.

"Hey, Sir, are you fine?"

Tinapik ko ang kaniyang pisnge ng mapansin kong hindi siya kumukurap.

Is he dead already?

Nang maisip ko iyon ay agad kong tinapat ang aking tenga sa kaniyang dibdib. Nilapat ko pa iyon para mas marinig ko ng maayos kung tumitibok pa ba ang puso niya o hindi.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Nangunot naman ang noo ko bago ako umayos ng upo sa kaniyang tabi habang nakaharap pa rin sa kaniya.

Napansin kong nakapikit na ang kaniyang mga mata.

Nakatulog na ba siya?

Napayakap naman agad ako sa aking sarili ng biglang umihip ng malakas ang hangin. Napatingin ako sa lalaking ngayon ay mukhang walang malay na. Nagsalubong ang kilay niya. Siguro ay nilamig din siya dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Hindi ko naman alam kung dapat ko ba siyang gisingin or kung dapat ko ba siyang iwan nalang dito. Paano kapag namatay talaga siya?

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiiyak lalo na kapag napapatitig ako sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kumikirot din iyon.

Napagpasyahan kong maupo nalang sa kaniyang tabi hanggang sa dumating sina Rina dito. Siguro naman ay alam nila ang daan patungo sa lugar na ito.

Huminga ako ng malalim bago ako tumingala.

Wisteria tree is indeed beautiful even at night. The purple flowers hanging from its branch looks like a curtain of flowers. It glows under the bright moonlight. It feels magical to look at.

Napangiti ako bago ko muling tiningnan ang lalaki sa aking tabi. He's now breathing evenly, unlike earlier. Naging stable na siguro ang kaniyang kalagayan.

But what is he doing here and why there's a deep slit on his wrist? And who is he?

I called him Soran earlier. It was unintentional and even I, myself, don't know why I suddenly called him that name.

Maybe because of his eyes. The young boy in mh dreams have the same eyes as his. It looks so similar that maybe I subconsciously thought that he is the young boy in my dreams.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin dumadating si Rina at si Fline.

Muli akong tumingin sa lalaking nakaupo sa tabihan ko. Napansin kong nanginginig siya dahil siguro sa lamig. Maging ako at nangangatal na din.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon