KABANATA 33

6K 383 28
                                    

Kabanata 33. 

Nang makarating kami ni Rina sa city plaza ay bumungad sa akin ang ilang mga taong naglalakad nang makababa kami sa carriage.

Hindi gaanong madami ang tao. Halos karamihan rin ng mga nakikita ko ay mga nakasuot ng mga magagandang dress.

"Akala ko maraming tao ang bubungad sa akin," pahayag ko ng mapansin kong hindi ganon ang kaso.

Tumingin naman sa akin si Rina.

"Young Miss, mukhang sa noble street tayo dinala ng coachman."

Naguguluhan akong tumingin kay Rina ng marinig ko ang sinabi niya.

"Noble street?"

"Yes, Young Miss. Iyon ang tawag sa street na puno ng mga shops na para lang sa mga nobles. Kaya ang mga nakikita mong tao ngayon na naglalakad ay mga galing sa noble family."

Napatango ako ng marinig ko ang paliwanag ni Rina. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi gaanong madami ang mga nakikita kong tao sa lugar na ito.

"Kung ganon, walang mga simpleng dress sa lugar na 'to na kagaya ng suot natin ngayon?" Tanong ko kay Rina. Tumango naman siya sa akin.

"Yes, Young Miss. Binili ko ang mga damit ko sa isang shop na mura lang ang presyo. Siguradong walang ganitong klase ng dress sa mga shop na para lang sa mga nobles," paliwanag sa akin ni Rina.

"Ah, now I know. Maglibot-libot muna tayo bago tayo bumili ng mga dress. Mukhang walang interesanteng bagay dito sa noble street," pahayag ko ng mapansin ko ang katahimikan sa lugar na ito.

Gusto ko ang katahimikan sa lugar na ito ngunit hindi kami nagpunta ni Rina dito sa city plaza para lang sa katahimikan.

Nandito kami para maglibot at maggala. Kahit medyo hindi pa ako sanay sa mga crowded places ay naisip kong baka mawala din ang takot ko once na maranasan ko ang maglakad sa mga matataong lugar.

Naglakad kami ni Rina patungo sa ibang lugar. Nang makalayo kami sa noble street ay tumambad sa akin ang mas maraming mga tao. Maraming stall sa paligid at may mga batang naglalaro sa may parke.

Mukhang nasa sentro kami ngayon ng city plaza kung hindi ako nagkakamali.

"Buti naisipan kong magpalit ng damit," pahayag ko ng makita ko ang mga suot ng mga tao sa aking paligid. Ibang-iba iyon sa suot ng mga nobles na nakita ko kanina.

"Makakahanap kaya ako ng lalaking gusto konsa lugar na 'to?" Nakangisi kong tanong habang nililibot ko ang aking paningin sa paligid.

"Young Miss, sinabi ba sayo ni Young-master Harton kung ayos lang bang isang commoner ang mapang-asawa mo? Halos mga commoner ang nandito kaya paano kapag isang commoner ang magustuhan mo?" Nag-aalala akong tiningnan ni Rina.

Napatango naman ako dahil naiintindihan ko kung anong gusto niyang ipahiwatig. Tama siya, isa akong noble lady at normal lang na ang hanapin ko ay isang nobleman. Hindi ko rin alam kung tatanggapin ba ng aking pamilya kapag isang commoner ang nagustuhan ako.

Bumuntong-hininga ako bago ako nagkibit-balikat.

"Hindi ko alam pero kapag isang commoner talaga ang nagustuhan ay wala akong magagawa kundi ang ipaglaban ito. Tutal ayokong mag-asawa ng taong hindi ko gusto," paliwanag ko kay Rina.

"Young Miss, you are really like your mother."

Nang marinig ko ang sinabi ni Rina ay napaangat ang isang kilay ko.

"What does this have to do with my mother?" nagtatakang tanong ko.

"Ah, I've never told you about this but my mother told me a story about Grand Duke and Grand Duchess Saavin. You know, Madam Chartine came from a marquess family in Tavbian City. I've  heard Marquess Hashana did not want her daughter to marry into a Grand Duke family. However Madam Chartine did her best to convince his father, the marquess."

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon