Kabanata 11.
Halos libutin na namin ni Jinjin ang buong downtown pero wala akong mahanap na gusto kong bilhin.
"Wala ka talagang gustong bilhin?" Tanong ni Jinjin sa akin.
Napatingin naman ako sa hawak kong 10 copper coins. Siguro ay itatabi ko muna ito. Gusto kong kasama si Soran kapag ginastos ko ang pera na 'to.
"Umuwi na tayo, wala akong makita na gusto ko."
"Sige."
Nang makabalik kami ni Jinjin sa Garkin Residence ay inabot na muna namin kay Madam Sarina ang kaniyang paboritong ubas.
Nang makarating ako sa aking kwarto ay muli kong binilang ang aking hawak na pera. Kompleto iyon at walang nahulog.
Ibinalot ko ang aking pera sa may maliit na tela bago ko iyon tinago sa may maliit na cabinet sa tabi ng kama.
Nang mapansin kong wala naman akong kailangan gawin ngayong araw ay nagbasa nalang ako ng dyaryo na galing kay Soran. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga dyaryong dinadala niya dito tuwing gabi.
Napansin kong may para sa mga commoners na dyaryo at meron din na para sa mga tao sa high society.
Kinuha ko ang dyaryo na para sa mga nobles. Wala rin akong nakitang kakaiba. Tungkol lang sa buhay ng mga tao sa high society. Magaganda rin ang nakasulat tungkol sa ibang mga tao na para bang binayaran nila ang mga journalist para pagandahin ang pangalan nila.
Katulad na lamang ng Nerzadian Family, it's a Marquess family from Vandin City, the Capital of Rowan Kingdom where many noble family lives. Madaming mga flattering words ang nakasulat pero sa huli ang main point ay buntis na daw ang Marchioness ng Nerzadian family.
Ang baby na isisilang sa isang taon ay ang magiging heir apparent ng Marquess.
Ayon sa nakasulat ay 36 years old na ang marchioness ngayong taon at ngayon lang sila biniyayaan ng sanggol sa tagal na ng panahon na nagpakasal sila ng marquess.
Walang interesanteng bagay akong nabasa. Nakahinga din ako ng maluwag dahil wala naman balita tungkol sa mga gyera gyera laban sa mg neigboring kingdom. Kailangan ko laging tutukan ang bagay na iyon dahil kahit hindi pa man official na knight si Soran ay malaki ang posibilidad na baka isama siya ni Uncle Rajelio sa battlefield kapag nagkaroon ng digmaan.
Nang maalala ko si Soran ay pumasok sa isip ko ang tinanong sa akin ni Jinjin. Kung talaga bang hindi galing sa noble family si Soran.
Kung iisipin ngang mabuti, hindi ganon pangkaraniwan ang itsura ni Soran. Siya yung tipo na bata palang ay halata na agad ang bawat features ng mukha.
Sa lahat din ng commoners na nakilala ko ay si Soran lang ang may pinaka gwapong mukha. Maging ang balat niya ay makinis at malambot din kahit lagi siyang nasa labas. Bukod don, bago ko siya nakilala ay mukhang nakatira siya sa isang alley na puno ng basura. Pero kahit ganon ay maganda pa rin ang balat ni Soran.
Kung hindi dahil 'yon sa environment ay siguradong dahil 'yon sa genes ng magulang ni Soran.
Pero ang sabi lang sa akin ni Soran ay patay na ang nanay niya at mukhang ayaw niya rin sa tatay niya.
Illegitimate child ba siya ng isang noble family?
Nang maisip ko 'yon ay agad kong kinuha lahat ng dyaryong available dito. Baka makahanap ako ng clue sa mga dyaryo.
Ngunit ilang oras akong nagbasa at naghanap ngunit wala akong nakitang kahit na anong impormasyon. Wala rin kapangalan si Soran sa lahat ng anak ng mga nobles.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022