Kabanata 42.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Ngunit kinakabahan pa rin ako.
"Father, what should we do?" tanong ko kay ama.
Napakagat ako sa aking labi ng mapansin kong hindi rin maganda ang ekspresyon ng mukha ni ama. Alam kong hindi rin niya gusto ang balitang narinig niya.
"Why is the king and queen suddenly giving us a royal decree? Is the Grand Duke Kerzan aware of this?" Naguguluhan na pahayag ni ina.
Huminga naman ng malalim si ama at napansin kong kumalma na siya matapos niyang marinig ang sinabi ni ina.
"No, I don't think Grand Duke Kerzan will agree to this. He don't want to get married and I know that kid. He will never marry someone against his will."
Napahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi ni ama. Right, the Grand Duke Kerzan I know from the rumors is not someone who will agree to this kind of marriage with some unknown girl.
Walang kapangyarihan ang aming pamilya na i-decline or i-reject ang royal decree ng hari at reyna pero meron ganon kapangyarihan ang Kerzan family.
"Don't worry, Yira. Grand Duke Kerzan will surely handle this matter."
Tumango nalang ako ng marinig ko ang sinabi ni ama.
"Then, I'll take my leave first."
Nang makalabas ako ng office ni ama ay agad akong napahawak sa aking puso. I was genuinely scared. Buti nalang dahil mukhang hindi talaga gusto ni Grand Duke Kerzan na magpakasal.
"What happened, Young-miss?" tanong sa akin ni Rina ng makalabas ako.
"Nothing, just a false alarm."
Bumuntong-hininga ako. Kung totoo man iyon ay ipaglalaban ko talaga si Soran. Nakalimutan ko palang itanong kung saan siya nakatira.
Alam kong matagal ng pinapartner ni Queen Amaria si Grand Duke Kerzan kahit kanino. Pero laging iyong hindi tagumpay dahil kay Grand Duke Kerzan na hindi talaga gusto ang mag-asawa. Pero kahit kailan ay hindi ko pa narinig na may binigyan ng royal decree ang hari at reyna para sapilitan na ipakasal kay Grand Duke Kerzan.
No, there was one. Binigyan na din ni Queen Amaria ng royal decree ang Nerzadian family noon. Ngunit agad din iyon ni-reject ni Grand Duke Kerzan.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako pa ang napili nilang pagbigyan ngayon. Wala na bang ibang maipartner si Queen Amaria sa kaniyang pinakamamahal na nephew.
Bakit hindi nila maintindihan na wala talagang balak si Grand Duke Kerzan na mag-asawa. Muli akong napabuntong-hininga.
Kailan kaya ako dadalwin ni Soran? Umatras ba siya? Pero malabo iyon. Ramdam ko na gusto din niya ako kahit iyon ang unang beses na pagkikita namin.
Lumabas muli kami ni Rina para hanapin ang susi na pinapahanap ni Grandma dahil maliwanag pa naman.
Sinimulan namin maghanap sa may courtyard pero wala kaming nakita don ni Rina. Habang naghahanap kami ay biglang sumulpot si Fline.
"Yira, nabalitaan ko na ikakasal daw kayo ni Grand Duke Kerzan."
Nanlaki agad ang mata ko ng marinig ko ang sinabi sa akin ni Fline.
"That's not true and who did you hear it from?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Sa mga katulong," sagot sa akin ni Fline.
Pinanliitan ko ng mata si Fline. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Sobrang bilis talagang kumalat ng balita.
Napailing nalang ako. Siguradong malalaman din nila na hindi iyon matutuloy dahil kay Grand Duke Kerzan. Alam rin naman nila ang ugali ni Grand Duke Kerzan. Baka nga isa na iyon sa pinag-uusapan ng mga katulong.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomantikNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022