Kabanata 24.
"Maera, sino 'yang kasama mo?" nagtatakang tanong ni Jinjin.
Lumapit si Jinjin sa tabi ko at alam kong natatakot siya sa malaking lalaki sa harapan namin. Nakakatakot ang itsura niya kaya hindi na nakakapagtaka na matakot si Jinjin.
"Tinanong niya ako kung may nakita ba akong batang may kulay berde na mata at itim na buhok. Sabi ko kilala ko iyon dahil nakita kong kasama iyon ni Soran at alam kong kaibigan niyo rin 'yon. Sabi niya knight guard daw siya na nagbabantay sa batang hinahanap niya," nakangiting paliwanag sa amin ni Maera.
Pinakalma ko naman ang aking sarili. Maera is just a clueless child. She is naive and ignorant.
Maging si Jinjin ay hindi niya alam na masamang tao ang kasama namin. Takot lang siya dahil sa kaniyang instinct pero hindi niya alam kung bakit siya takot.
"Si Young Master Laikon Saavin ba?" tanong naman ni Jinjin kay Maera bago siya tumingin sa malaking lalaki na nakatayo sa harap namin.
"Nasaan siya?"
Tsaka lang umimik ang lalaki sa harap namin matapos magsalita si Jinjin. Malaking tao siya at alam kong kapag sinakal niya kami ay madali lang niya kaming mapapatay.
"Nandon po, sa may warehouse!" Mabilis 'kong sagot at tinuro ko pa ang warehouse na ngayon ay nasusunog na.
Sana bumalik na dito sina Soran at Commander Garkin. Kahit isang armored knight lang na kasama nina Commander Garkin ay ayos na. Sana may dumating kahit isang tao lang.
Hindi naman nagsalita ang lalaki.
Agad nanlaki ang mata ko ng makita kong naglabas ito ng punyal. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang buo kong katawan.
"Hindi ako ganon kasamang tao, bibigyan ko kayo ng sampong segundo para tumakbo at magtago. Kapag nakita ko pa rin kayo ay papatayin ko kayo."
Seryoso kaming tiningnan ng lalaki. Agad naman na namutla ang katabi kong si Jinjin at agad siyang napahawak sa balikat ko.
"Bakit niyo po kami papatayin?" tanong naman ni Maera.
"Magsisimula na akong magbilang," saad ng lalaki at hindi nito pinansin si Maera.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ayoko pa talagang mamatay. Kahit may isang magandang buhay ang naghihintay sa akin ay ayoko pa rin mamatay.
Nanginginig na ngayon ang aking kamay sa takot.
"Ah! Hindi makakatakbo ang kaibigan ko. Bali ang binti ni Nevie," natatarantang saad naman ng namumutlang si Jinjin. May luha na rin sa kaniyang mata.
"Wala akong pake, Isa."
"Jinjin tumakbo kana!" Sigaw ko kay Jinjin nang bigla niya akong binuhat pero natumba rin kaming dalawa.
Napangiwi naman ako dahil sa pagbagsak namin. Mas lalong sumakit ang binti ko.
Napatingin naman ako kay Maera na mukhang natauhan na sa kung ano talaga ang nangyayari. Malakas itong umiyak bago siya mabilis na tumakbo palayo.
"Dalawa."
"Tatlo."
"Jinjin, umalis kana! Tawagin mo si Commander Garkin!"
Malakas kong tinulak si Jinjin nang magtangka siyang buhatin ako. Narinig ko naman ang tawa ng lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin.
"Apat, lima, anim."
"Nevie, hintayin mo ko!" Sigaw sa akin ni Jinjin bago siya mabilis na tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
Storie d'amoreNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022