KABANATA 45

7.1K 387 65
                                    

Kabanata 45.

Vandin City is a place full of nobles. There's a lot of restaurants and different kinds of shop that still open. However, there's not much people walking on the streets.

Wala kaming masyadong nakakasalubong ni Soran na mga nobles. Karaniwan ay mga maids na mukhang may mga errands na kailangan gawin.

Bukod don ay wala rin mga street vendors sa paligid kaya sobrang tahimik. Maliwanag naman ang daan dahil sa mga street lamps.

This place is really perfect for my night date with Soran. Pakiramdam ko ay kami lang talaga ngayon ni Soran ang nabubuhay sa mundong ito. I really want this feeling. I feel like we own this world.

"Soran," tawag ko sa pangalan ni Soran.

"Hm," mabilis na tugon niya sa akin. Napangisi naman ako.

"How many kids do you want?" masayang tanong ko.

Nilingon ko si Soran ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Magkahawak ang kamay namin dalawa kaya agad kong naramdaman na biglang lumamig ang kamay ni Soran.

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Hey," tawag ko kay Soran.

Nilingon niya ako at seryoso siyang tumingin sa akin. Pansin kong namumutla ang mukha niya lalo na dahil malapit lang kami sa street lamp kaya kitang-kita ko iyon.

"I-I don't want- We don't need to have a child, Nevie."

Napakurap ako nang marinig ko ang sinabi ni Soran. Ilang segundo akong natigilan bago ako tumango. Nginitian ko si Soran. Tumingkayad ako para maabot ko ang ulo niya.

"Yeah, we don't need to have a child."

Ginulo ko lang saglit ang buhok ni Soran bago ko siya niyakap ng mahigpit.

"I have you and you have me. We both have each other so we don't need a third party right?" nakangiti kong pahayag.

Kumawala ako sa yakap namin ni Soran. Tiningnan ko ang complexion ng mukha niya at nang mapansin kong mukhang hindi na siya namumutla ay agad akong nakahinga ng maluwag.

Mukhang ayaw talaga niyang magka-anak kami. I really want to bear his child. I want to have a child with him. Like a perfect family.

Pero kung ayaw ni Soran ay ayos lang sa akin. I am still young so I can really wait. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit ganon ang reaksyon niya. Hihintayin ko nalang na sabihin niya ang dahilan niya sa akin. Mukhang may seryoso siyang dahilan base sa naging reaksyon niya.

Ngunit agad akong natigilan ng maisip ko ang isang bagay. If he don't want a child then it means he don't have to, you know, touch me after our marriage.

Namula agad ang aking mukha ng maisip ko yon. Ibig bang sabihin ay hindi namin gagawin ni Soran ang ginagawa ng normal na mag-asawa?

Tumingin ako kay Soran at agad na nagtama ang paningin namin dalawa. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon.

Hindi ko akalain na baka maging virgin pala ako habang buhay kahit may asawa na ako.

Nagtitigan kami ni Soran at habang tumatagal ay lalong nag-iinit ang aking pisnge.

"U-Uhm. Soran-"

"If you think that I will not touch you after our marriage because of what I've said, then you're wrong. That's impossible, but don't worry. I will be careful."

Mas lalong namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Soran. Nanlaki ang aking mata dahil nahulaan niya ang laman ng isip ko.

Tumikhim ako bago ako tumango.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon