KABANATA 14

6.3K 385 29
                                    

Kabanata 14. 

Nasa kabilang bahagi ng plaza ang park na pinuntahan namin ni Soran noon para manglimos kaya hindi ako nag-aalala na baka makasalubong ko si ama o si Latrina dahil medyo malayo iyon sa kung nasaan kami ngayon.

Nang makarating kami ni Soran sa may downtown ay agad ko siyang hinigit sa may mga stall na mukhang mura lang ang bilihin.

"Soran, meron lang akong 10 copper coins. Anong gusto mong bilhin?" Nakangiting tanong ko kay Soran.

Tiningnan naman ako ni Soran bago niya nilibot ang kaniyang tingin sa mga stall sa aming paligid.

"Ikaw, ano bang gusto mo?" Balik na tanong sa akin ni Soran matapos niyang magmasid. Wala siguro siyang gustong bilhin.

"Maggala-gala muna tayo. Tsaka nalang tayo bumili kapag may nakita na tayong gusto natin bilhin," suhestyon ko sa kaniya. Tumango naman si Soran.

"But let's not go too far."

"Okay," tugon ko kay Soran dahil alam ko rin na may nangunguha ng bata at iyon ay mga bandits na nakapasok sa Mandian City. Pinaalalahanan na rin kami ni Kuya Rejie tungkol doon. Lalo na si Jinjin na mahilig pumunta sa kung saan-saan.

Naglakad-lakad lang kami ni Soran sa may downtown hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan may street performers.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito," saad ko.

Tumigil kami ni Soran para manood. Mukhang ang tawag sa ginagawa nila ay skit. Tungkol iyon sa love story ng hari at reyna na mukhang gawa-gawa lang nila.

May mga taong naghahagis ng pera sa kanila. Madaming mga nanonood kaya medyo naiipit na rin kaming dalawa ni Soran. Buti nalang at nakasingit na kami sa may unahan kanina bago pa man mas dumami ang tao.

"Soran, madali palang magkapera ang mga street performer. Dapat ganito yung ginawa natin dati sa park," bulong ko sa katabi kong si Soran.

Nilingon naman ako ni Soran bago niya ako nginisian.

"Pinagsasayaw kita noon pero ayaw mo."

Nang marinig ko ang sinabi ni Soran ay napairap ako.

"Kung marunong lang akong sumayaw ay ginawa ko na. Edi sana mayaman na tayo ngayon," pagbibiro ko kay Soran.

"Hindi pa huli ang lahat," nakangising pahayag naman ni Soran kaya natawa ako.

Magsasalita na sana ako ngunit bigla akong nadapa at agad akong napangiwi ng may mabigat na bagay ma bumagsak sa likod ko..

"Soran!" Sigaw ko dahil pakiramdam ko ay maiipit na ang buong katawan ko.

Hindi ko makita kung anong nangyayari pero sigurado ako na nagkakagulo na ang mga tao dahil sa ingay. Mukhang may taong bumagsak sa likod ko at hanggang ngayon ay hindi pa ito tumatayo.

"Nevie!"

Nang marinig ko ang tawag ni Soran ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko nalang na hawak na ni Soran ang aking braso at pilit akong hinihigit.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Soran. Mukhang nahihirapan siyang higitin ako dahil sa bigat ng taong nakahiga sa akin ngayon.

"Dumiretso ang isang carriage sa pwesto natin kaya madami ang nasagasaan."

Nang tuluyan na akong mahigit ni Soran ay tsaka ko lamang nakita ang mga nakahigang tao sa daan. Ang iba ay mukhang walang malay at ang taong umipit sa akin ay mukhang tumalsik lang sa pwesto ko.

"Ah, hindi ba iyan ang carriage ng pamilya ni Baron Tejon?" tanong ko habang nakatingin ako sa nakatigil na carriage hindi kalayuan sa aming kinatatayuan.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon