Kabanata 15.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Soran dahil kanina pa kami naglalakad. Nakalabas na kami ng downtown at nalagpasan na rin namin ang Mandian Military Base kung saan siya nagtetraining.
Ngayon ay nakalampas na rin kami sa Garkin residence.
"Dapat ay kumain muna tayo," saad ko kay Soran dahil nagugutom na rin ako. Hindi ko naman kasi alam na aabutin pala kami ng hapon.
"I told you, I will piggy back ride you but you don't want to." Tiningnan ko ni Soran bago nginisian. Sinabi niya iyon sa akin kanina pero kung pumayag ako ay siguradong baka hindi kami makarating dahil mapapagod agad siya.
"So, malayo pa ba tayo?" tanong kong muli.
"No," sagot sa akin ni Soran kaya napahinga ako ng malalim.
Wala akong nagawa kung hindi ang maglakad pa ng ilang minuto. Mukhang pataas ang lugar na pupuntahan namin ni Soran. Naglakad kami paayat sa may bundok hanggang sa makarating kami sa may malawak na field.
"Where is this place?"
Nilibot ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan kami ngayon. Kitang-kita dito ang asul na kalangitan, wala kami sa tuktok ng bundok dahil malayo pang lakarin iyon. Siguro ay nasa may bandang gitna lang kami.
Walang kapuno-puno sa lugar na ito. Ang tanging makikita lang ay ang malawak na grass field.
"Mt. Ihana, this is located in between the Tavbian City and Madian City."
"How did you know this place?" Nagtataka kong tiningnan si Soran.
Malapit na sa border ng Mandian City ang residence nina Kuya Rejie kaya alam kong may bundok sa labas ng Mandian City dahil paminsan-minsan ay natatanaw ko iyon.
Pero hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa bundok na ito at hindi ko rin alam na may pangalan pala ang bundok na ito.
"I just saw this in the map before. I only guess that it's possible to find a place like this here."
"Your guess was right," sagot ko sa kaniya. "Pero pwede ba tayong magtanim dito? Wala bang nagmamay-ari sa lugar na 'to?"
"No one and planting a tree is beneficial for everyone," nakangising sagot ni Soran kaya napatango ako.
Wala naman masama kung magtatanim kami ng puno dito si Soran. Isa pa, magandang puno ang wisteria kaya kapag may ibang pumunta dito ay siguradong matutuwa pa sila.
Naglakad ako patungo sa may dulo ng malawak na grass field na ito. Nang makapunta ako ay nakumpirma ko na may bangin nga sa tabi nito.
Nang makabalik ako sa tabi ni Soran ay nakita kong naghuhukay na siya gamit ang kahoy. Hindi konalam kung saan niya iyon nakuha.
"Siguro naman kapag 20 years old na tayo ay malaking-malaki na ang puno na 'to." Nakangiti kong pahayag.
"Kapag lumaki na ang puno ay pwede na tayong magpicnic dito. Nabasa ko sa isang libro na masayang magpicnic sa tabi ng isang magandang puno lalo na kapag kasama mo ang pinakapaborito mong tao sa buong mundo."
Matapos kong magsalita ay tsaka lamang nag-angat ng tingin sa akin si Soran.
"Ako pinakapaborito mong tao sa buong mundo?" Nakangiting tanong sa akin ni Soran kaya mahina akong natawa.
"Sino pa ba kung hindi ikaw?" Nakangiti kong sagot sa kaniya.
Napansin ko naman na namula ang tenga ni Soran kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Soran, bakit namumula 'yang tenga mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Namamalikmata ka lang," sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomansaNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022