Kabanata 5.
It's been a month since I've met Soran. Hindi siya pumayag na sabihin sa akin ang kaniyang sekreto noong nalaman ko na alam niyang hindi ito ang mundong tinitirhan niya dati.
However, he told me one thing. He is an adult in a child's body and I already knew that, obviously. Iyon lang ang sinabi niya sa akin at sinabi ko rin sa kaniya na hindi na rin ako bata.
Hanggang doon lang ang alam namin dalawa sa isa't isa. Aside from his corrupted soul, I knew nothing about him. Mukhang wala din siyang balak sabihin sa akin ang past niya o kung ano man nangyari sa kaniya at bakit siya napunta sa mundong ito.
Ngayon ay nasa city plaza kami. Nabuhay kami ng isang buwan dahil lagi kaming pumupunta sa gubat para manghuli ng rabbit. Ilang beses din namin nakita si Kuya Rejie at minsan napapansin ko na sinusundan niya talaga kaming dalawa ni Soran.
Pakiramdam ko ay naaaliw siya sa amin ni Soran. Sinabi niya rin sa amin na hindi kami katulad ng ibang bata na iyakin at walang ibang alam kung hindi ang maglaro. Syempre, hindi talaga kami matutulad sa mga bata dahil hindi na kami bata ni Soran.
Nang madaanan namin ni Soran ang bakery shop ay agad akong napatigil sa paglalakad. Hinigit ko ang braso ni Soran at agad akong naglakad palapit sa glasswall ng bakery shop.
"Nakakain kana ba dati ng cake, Soran?" tanong ko kay Soran na naguguluhan na nakatingin sa akin.
Matapos kong magsalita ay tsaka lamang nagets ni Soran kung bakit ko siya biglang hinigit.
Nag-angat ng tingin si Soran sa harap namin at tumigil ang tingin niya sa masarap na at malaking cake.
"Yeah, I don't like it. It taste so sweet."
Nang marinig ko ang sinabi ni Soran ay agad ko siyang inirapan.
"In this life or in your past life?"
"Both."
Napasimangot ako dahil sa inggit. Naramdaman ko naman bigla ang pagpisil ni Soran sa aking pisnge kaya napatingin ako sa kaniya.
"Do you like this cake?"
Nang marinig ko ang tanong ni Soran ay mabilis akong tumango.
"I like cakes. I've never eaten a cake before," pahayag ko kay Soran.
"Even in your last life?" nagtatakang tanong niya sa akin kaya muli akong tumango.
"Yeah," nanghihina kong tugon. Paano ako makakain kung bawal sa amin kumain ng pagkain ng mga mortal at isa pa, wala kaming panlasa katulad ng sa tao.
"Oh."
Nang tiningnan ko si Soran ay nakita kong nakatitig siya sa presyo ng cake na nasa harapan namin.
"Wala tayong pera." Nakasimangot na saad ko bago ko hinigit si Soran papalayo sa bakery shop.
Alam ko rin na ubos na ang 10 silver coin ni Soran dahil hindi niya iyon natipid dahil sa akin. Lahat kasi ng pagkain na gusto ko ay binibili niya.
Nagiguilty ako dahil inubos ko ang pera ni Soran pero anong magagawa ko. Hindi ko rin kayang pigilan si Soran na hindi bumili kahit sabihin kong hindi ko na gusto ang pagkain na nakita ko.
Ngayon ay nagpunta kaming plaza ni Soran dahil balak kong isama si Soran sa panlilimos sa may park kung saan madami laging tao ang napunta.
"Kung gusto mo non, mag-iipon tayo."
Napatingin ako kay Soran nang bigla siyang magsalita. Malayo na kami sa may bakery shop.
"Kahit mag-ipon pa tayo ng buong isang taon ay cup cake lang ang mabibili natin. Pero okay na rin yon dahil magkalasa lang naman siguro sila hindi ba?"
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022