Kabanata 19.
Noong nagising lang ako kinaumagahan tsaka ko naalala na hindi ko pa pala naibibigay kay Soran ang singsing na binili ko.
Nang tingnan ko ang higaan ni Soran ay wala na siya 'don. Mukhang kanina pa rin siya nakaalis.
Matapos 'kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto namin ni Soran. Bibit ko ang isang basket na may laman na mga panyo. Balak kong ibigay iyon kay Aling Merna dahil natapos ko ng gawan ng design ang lipang piraso ng panyo.
"Maera!" Tawag ko sa batang babae nang makalabas ako ng bahay.
Nilingon naman niya ako agad.
"Bakit?" tanong nito sa akin. Nilapitan ko si Maera bago ako nagsalita.
"Alam mo ba kung nasaan si Aling Merna ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam, bakit?" sagot niya sa akin.
"Ah, sige salamat!"
Naglakad na ako palayo matapos magsalita. Hindi ko alam kung nasaan si Aling Merna, akala ko ay makikita ko siya kanina sa may dining area pero wala ng tao 'don. Mukhang nagtatrabaho na ang lahat.
"Nevie!"
Napatingin ako sa tumatakbong si Jinjin papalapit sa akin. Umagang-umaga ay pawisan na siya agad. Mukhang kanina pa siyang gising.
"Oh, Jinjin. Alam mo ba kung nasaan si Aling Merna? Ibibigay ko kasi itong mga nagawa ko."
Malawak naman akong nginitian ni Jinjin bago niya ako hinigit.
"Mamaya na natin 'yan ibigay. May nasagap akong balita. Nagpunta ako kanina sa may Mandian Military Base at alam mo kung ano ang nakita ko?" masayang saad sa akin ni Jinjin.
Napataas naman ang isa kong kilay.
"Ano?" tanong ko sa batang si Jinjin.
"Nakita ko ang carriage na may crest ng Saavin Grand Duke family na pumasok sa loob ng Mandian Military Base!" malakas na sagot ni Jinjin sa akin.
Nagsalubong naman ang aking kilay.
"Si Grand Duke Saavin ba ang sakay?" tanong ko pa.
"Iyon ang hindi ako sigurado, pero tingnan natin! Baka kasama rin niya ang kaniyang mga anak!"
"Saglit, ibibigay ko lang 'to kay Aling Merna."
Tinalikuran ko ang excited na si Jinjin. Sumunod naman siya sa akin.
"Mamaya na natin 'yan ibigay. Siguradong makikita agad natin si Aling Merna mamaya," pangungulit niya sa akin.
"Hindi pwede," mabilis kong sagot.
Baka kapag dinala ko ito palabas sa residence ay baka madumihan pa kaya mas mabuti na ibigay ko agad ito kay Aling Merna.
Sinimangutan lang ako ni Jinjin pero hindi na siya nangulit pa. Hinanap namin si Aling Merna sa buong residence at nakita namin ito sa may garden ni Madam Sarina. Nagwawalis ito kaya agad namin nilapitan ni Jinjin.
"Pasensya na po sa abala Aling Merna, ito na po ang gawa ko." Inabot ko kay Aling Merna ang hawak kong basket.
"Akala ko ay hindi ka pa tapos kaya hindi kita nahintay kanina. Saktong-sakto dahil mamaya ay pupunta ako sa downtown. Bukas ko ibibigay ang commission mo," nakangiting saad sa akin ni Aling Merna.
"Salamat po," masaya kong saad.
Nang makapagpaalam kami ni Jinjin kay Aling Merna ay agad na niya akong hinigit pero muli ko siyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomantizmNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022