Kabanata 7.
Nang makarating kami sa destinasyon namin nina Kuya Rejie ay agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Maging si Soran ay hindi mapigilan na hindi pagmasdan ang lugar kung nasaan kami.
Madaming mga taong nakasuot ng fitted na shirt. May hawak silang mga espada at sa paligid ay madaming mga nakatayong training dummies.
Hindi ako sigurado kung mali ba ang napuntahan ni Kuya Rejie o ito talaga ang bahay nila.
Sa harap namin ngayon ni Soran ay isang malawak na training ground. Ang mga tao sa paligid ay mukhang mga knights.
"Kuya Rejie, dito po ang bahay niyo?" Tanong ko kay Kuya Rejie habang kami ay naglalakad patungo sa isang malaking bahay.
"Ah, nakalimutan kong sabihin. Malayo pa ang bahay namin pero ipapaalam ko muna sa aking ama ang impormasyon na binigay niyo at sasabihin ko rin na papatuluyin ko muna kayo samin."
Napatango agad ako ng marinig ko ang paliwanag ni Kuya Rejie. Muli kong pinagmasdan ang mga kalalakihan na abala sa kanilang pagte-training.
Napalingon naman ako sa katabi kong si Soran. Napatitig ako sa kaniyang corrupted soul at agad sumagi sa isip ko ang lalaking una kong nakilala noong anghel pa ako.
Natatandaan kong kahit commoner lang ang taong iyon ay magaling itong humawak ng espada. Dahil rin sa kaniya kung bakit sila noon nanalo laban sa kanilang kalaban.
Bilang anghel ay may mga impormasyon na binibigay sa amin tungkol sa mission at sa background ng taong nasa mission namin. Yun nga lang, sigurado akong limited lang din iyon at may mga bagay na hindi na dapat malaman ng mga anghel na katulad namin.
Nang mapansin kong nakatingin din si Soran sa mga taong nag-eensayo ay agad akong napangiti.
"Kung hindi ako nagkakamali ay pwedeng maging knight ang kahit na sino," nakangiting saad ko kaya napatingin sa akin si Soran.
"Gusto mo akong maging knight?" tanong ni Soran sa akin kaya mabilis akong umiling.
"Hindi sa gusto ko o hindi ko gusto. Ikaw dapat ang magdesisyon sa sarili mo kung gusto mo ba ang isang bagay. Dahil isa lang tayong commoner, mahirap makahanap ng trabaho kapag lumaki tayo. Ang maganda lang trabaho na may maayos na sweldo ay ang pagiging knight or warrior."
Kung isa din akong lalaki ay pipiliin ko din maging isang knight. Lalo na ngayon dahil wala masyadong gyera na nagaganap. Ibig sabihin ay kahit habang buhay pa akong maging isang knight ay hindi ako mapapahamak.
"Ano sa tingin mo?" baling ko kay Soran nang hindi siya magsalita. "Kapag naging knight ka, makakapag-ipon ka pa ng pera at makakapagpagawa ng bahay."
Tumingin sa akin si Soran bago niya ako tinanguan.
"Gusto kong maging knight," saad niya sa akin kaya naman napangiti ako.
"Huwag ka mag-alala. Kapag naging knight ka ay gabi-gabi kong ipagdadasal na sana walang mangyaring gulo o gyera sa mga katabing kingdom natin para lagi kang ligtas." Matapos kong magsalita ay tinapik ko ang likod ni Soran.
Nabasa ko kasi na kapag nagkaroon ng gyera sa pagitan ng dalawang kingdom ay lahat ng mga knights ay ipapadala sa border para makipaglaban at para bantayan ang lupa para hindi masakop at para hindi makapasok ang mga invaders.
"Alam niyo ba ang pinag-uusapan niyong dalawa? Ang mga taong nakikita niyo ngayon dito ay iba sa mga knights na alam niyo." Pagsali bigla ni Kuya Rejie sa usapan namin dalawa ni Soran.
"Iba?" Naguguluhan akong tumingin kay Kuya Rejie. Tumango naman siya sa akin.
"Those guys are warrior knights who are professionally trained to stand in the front line of the battle field."
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022