KABANATA 31

6.4K 383 89
                                    

Kabanata 31. 

HER POINT OF VIEW

Napatitig ako sa maliit na kuneho sa aking harapan.

"Is it dead?"

Napakagat ako sa aking labi bago ko sinundot ang katawan ng puting kuneho.

Hindi ako sigurado kung napatay ko ba siya o hindi. Aksidente ko lang siyang naipit dahil bigla akong nahulog sa may puno.

"Hey, are you dead?" Muli kong sinundot ang kuneho sa aking harapan.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng bigla nalang itong bumangon at tumalon. Napaupo ako sa lupa at wala sa sariling pinanood ko na lamang ang papalayong kuneho.

"Ah, that rabbit fooled me."

Huminga ako ng malalim bago ako tumayo. Pinagpagan ko rin ang dress kong suot.

"Young Miss, where have you been? I've been looking for you for like an hour!"

Nang matapos kong magpapagan ang dress na suot ko ay tsaka ko lang tiningnan ng babaeng nagsalita. Agad akong napangiti ng makita ko si Rina.

She is my personal maid.

"There. I was sleeping on top of that branch." Nakangiti kong tinuro kay Rina kung saan ako nakahiga kanina.

"Young Miss, I already told you, you are not allowed to climb on a tree. You are not a kid anymore," naiiyak na saad sa akin ni Rina. Mahina naman akong tumawa.

"Right, I am 21. I almost forgot that I am old enough to marry."

"Ah, Young Miss, don't change the subject. Promise me you are not going to climb on top of a tree again?"

Nang marinig ko ang sinabi ni Rina ay agad nawala ang ngiti sa aking labi. Seryoso ko siyang tiningnan bago ako nagsalita.

"I can't promise you that. It's the only way I can get closer to the sky. Up there, I can clearly see the ocean blue sky. You know, what I like the most is the sky."

Muli akong ngumiti kay Rina matapos kong magsalita. Naglakad na rin ako paalis.

"Young Miss, —"

"Also I've read in a book that if you like the sky so much, then it means that you were an angel in your past life. Rina, do you think that's true?"

Nakangiti kong nilingon si Rina habang kami ay naglalakad. Bumuntong-hininga naman siya bago siya nagsalita.

"I also don't know about that Young Miss," sagot niya sa akin. Mahina naman akong natawa.

"You know, maybe I was really an angel before."

Nang makarating kami ni Rina sa may tapat ng mansion namin ay napansin kong may nakaparadang carriage.

Napatigil ako sa paglalalakad. Nakita ko ang isang matandang lalaki na bumaba sa carriage na iyon, mukha itong nasa 50's na.

Muli akong naglakad. Tahimik lang na nakasunod sa likod ko si Rina.

"Greetings, Marquess Nerzadian." Magalang na yumuko si Butler Greg sa matandang lalaking pumasok sa aming mansion.

Napangiti naman ako. Mabilis akong naglakad ng makita kong nakapasok na sila sa loob ng mansion.

"Ah, Marquess Nerzadian is here." Usal ni Rina habang siya ay nakasunod sa akin.

"Let me guess, he's here again to talk about marriage." Nakangiti akong pumasok sa aming mansion.

Naglakad ako patungo sa office ng aking ama. Nang makarating ako ay agad kong dinikit ang aking tenga sa may pinto upang marinig ang pinag-uusapan nila.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon