Kabanata 8.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa katok ni Kuya Rejie. Sinundo niya si Soran para magtungo sa 'Madian Military Base'. Iyon ang tawag sa lugar na pinuntahan namin kahapon nina Kuya Rejie.
Malapit ang Madian City sa may border ng Rowan kingdom kaya hindi na rin nakakagulat na meron military base dito.
Nang makaalis sina Soran at Kuya Rejie ay lumabas na rin ako ng bahay para tumulong sa mga maids. Hindi kasi pwedeng wala akong ginagawa.
Ngayon ay nagpupunas ako ng sahig sa may hallway. Kasama ko si Jinjin na mas matanda sa akin ng tatlong taon.
Anak siya ni Aling Mira na matagal ng katulong dito sa residence nina Kuya Rejie.
Kumpara sa akin ay mas mataba si Jinjin. Bilog ang kaniyang mukha at mataba ang kaniyang pisnge na para bang lagi iyong may laman na pagkain sa loob.
Akala ko noong una ay mahiyain siya. Mukha talaga siyang tahimik at mahiyain pero nagkamali ako. Kapag kinausap mo siya ay hindi na siya titigil sa pagsasalita.
"...tapos, narinig ko kay ina na kinaladkad daw ni Aling Pasing si Aling Lerma noong nakita niya itong kahalikan ang kaniyang asawa. Nevie, alam mo ba yung halik? Mahirap magkwento sayo kasi ang bata mo pa. Pero yung halik, iyon ay kapag nagdikit ang labi ng dalawang tao kaya ingatan mo ang labi mo na mapadikit sa kung ano-ano. Sabi kasi sakin ni ina ay wala daw tayong..."
Tumango-tango lang ako sa kwento ni Jinjin. Wala akong balak makinig kaya pinapalampas ko nalang sa aking kabilang tenga lahat ng bagay na sinasabi niya.
Nang matapos kaming magpunas sa hallway sa may second floor ay bumaba na kami ni Jinjin.
"...kapag daw tumuntong sa labin-limang taon, kailangan na natin maghanap ng lalaking mapapang-asawa sabi ni ina. Alam mo bang sampong-taon na ako ngayon, kaya tuwing gabi ay hindi ko mapigilan na hindi isipin ang bagay na iyon. Lalo na dahil wala akong matipuhan na mga lalaki sa mga nagtatrabaho dito na malapit sa edad ko..."
Hindi pa rin siya tapos sa kaniyang pagkukwento at sa totoo lang ay hindi ko na alam ang daloy ng kwento niya. Kanina ay nagkukwento siya tungkol sa dalawang katulong na nag-away dahil nahuli ng asawa ang kabit. Kanina ay nagkukwento siya tungkol sa mga kabayo at sa iba pang mga hayop na dapat inaalagaan ng maayos.
Ngayon naman ay nagkukwento siya tungkol sa edad kung kailan dapat humanap ng mapang-aasawa.
"Aling Mira, tapos na po kaming maglinis ni Jinjin sa may second floor."
Agad akong nagsalita ng makita ko ang nanay ni Jinjin nang makababa kami. May dala siyang mga panlinis.
"Ganon ba? Kung tapos na kayo ay pwede na muna kayong maglaro sa labas. Tatawagin ko nalang kayo kapag oras na ng pagkain," nakangiting saad sa amin ni Aling Mira.
"Salamat po," masaya kong saad bago ko hinigit ang madaldal na si Jinjin. Hindi ito tumigil sa pagsasalita kahit nakita na niya ang kaniyang ina.
"Jinjin, may alam ka bang magandang puntahan?" tanong ko sa aking kasamang si Jinjin.
Tumigil ito sa kaniyang pagkukwento at tiningnan ako bago tiningnan ang aming paligid.
"Ah, gusto mo bang pumunta sa garden ni Madam Sarina? Madaming mga bulaklak don."
"Pwede ba tayo don?" mabilis kong tanong kay Jinjin.
"Oo naman. Hindi mahigpit na tao si Madam Sarina. Mahigpit lang siya pagdating kay Sir Rejie. Alam mo dati..."
Ngumiti nalang ako ng magsimula na naman magkwento si Jinjin. Habang naglalakad ay hindi tumitigil ang kaniyang kwento hanggang sa makarating na kami sa lugar na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Angel's Predestined Life
RomanceNevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022