KABANATA 6

6.9K 436 19
                                    

Kabanata 6.

Hindi ako mapakali habang nakasilip sa may labas ng pinto. Madilim na ang langit at malakas talaga ang kutob ko na uuwi si ama ngayong gabi.

"Nevie, naitago ko na sa ilalim ng kama mo lahat ng dapat itago. Pati na rin yung mga nahuli kong kuneho."

Napalingon ako kay Soran nang bigla itong sumulpot sa aking likod. Napahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang sinabi niya.

Sa loob ng isang buwan ay marami kaming mga libro na nakuha sa basurahan ni Soran. Lahat ng makita namin na maayos ay inuuwi namin dito sa bahay. Nitong mga nakalipas na araw ay nakalagay lang ang mga libro sa may sala dahil walang pwedeng paglagyan.

Kanina ko lamang napansin kung gaano kadaming libro ang nakatambak sa loob ng bahay kaya agad ko iyong pinabuhat kay Soran at pinatago sa ilalim ng aking kama.

Pagnakita iyon ng aking lasing na ama ay sigurado akong itatapon niya at sisirain lahat ng mga iyon. Pati ang pagkain ay kailangan namin itago ni Soran dahil alam kong uubusin 'yon ni ama.

Siguro dahil isa na akong tao ngayon ay hindi na ako ganon kabait. Hindi katulad dati noong angel pa rin ako. Ngayong tao na ako ay alam ko na kung bakit may mga taong kayang hindi tumulong sa mga tao kahit kamag-anak nila o kadugo ang mga ito.

Ayokong bigyan ng pagkain si ama lalo na dahil ang mga pagkain na nasa bahay ay mga huli ni Soran. Isa pa, iniwan niya ako ng isang buwan na walang pagkain at walang maiinom. Kung normal na bata lang ako at kung hindi ko nakilala si Soran ay baka matagal na akong namatay dahil sa gutom at uhaw.

Sinaraduhan ko ang pinto bago ko hinigit si Soran patungo sa loob ng aking kwarto.

"Huwag kang lalabas. Dito muna tayo hanggang sa umalis si ama."

Nilingon ko si Soran na tahimik lang na nakupo sa aking tabi.

"I know," tugon nito sa akin.

Tinitigan ko lang si Soran bago ako bumuntong-hininga.

"Hindi dapat ganito ang buhay ko," nakasimangot kong saad.

Nilingon naman agad ako ni Soran matapos kong magsalita kaya napangisi ako.

"Nasa isang maayos at kumpletong pamilya dapat ako. Hindi yung ganitong patay na ang ina, wala pang kwenta ang ama," pagkukwento ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Soran.

"Paano ka nakasigurado na hindi dapat ganito ang buhay mo ngayon?" tanong niya sa akin kaya naman mahina akong natawa.

"That's part of my secret," nakangiti kong saad.

Dahil hindi pa niya sinasabi ang sikreto niya sa akin ay hindi ko rin sasabihin ang sa akin.

I was an angel before, of course I know what my predestined life should be. It was my reward after all.

But here I am, hiding in a small room to avoid my drunkard father.

"Now I'm curious," naiiling na usal ni Soran kaya natawa ako.

"Tell me your secret and I will tell you mine. I already told you that," pahayag ko.

Pinisil naman ni Soran ang aking pisnge kaya agad na nagsalubong ang kilay ko.

"My past memories are still blurry so I cannot tell you that right now."

Nang marinig ko ang sinabi ni Soran ay agad nanlaki ang mata ko.

"For real?"

"Yeah, so let me clearly remember everything first."

Pinanliitan ko ng mata si Soran. Nang mapansin kong mukha siyang hindi nagsisinungaling ay tsaka lamang ako nag-iwas ng tingin sa kaniya.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon