KABANATA 43

6.6K 444 50
                                    

Kabanata 43.

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng aming byahe kahit sobrang bilis ng takbo ng carriage. Inabot lang kami ng isang buong araw dahil hindi na tumigil ang carriage. Nang makapasok kami sa Vandin City ay madaling tanghali na.

"Dideretso ba tayo sa royal castle?" tanong ko kay Brother Laikon.

Umiling naman siya.

"Tutuloy muna tayo sa hotel at magpapahinga ng saglit bago tayo pumunta sa royal castle," paliwanag sa akin ni Brother Laikon kaya napatango ako.

Vandin City is the most developed city in Rowan Kingdom. This place is full of nobles wherever you go.
Dito din matatagpuan ang pinakamalaking hotel sa Rowan Kingdom, iyon ay ang Vandin Hotel.

Nang makarating kami sa Vandin Hotel kung saan kami magpapahinga ay dumiretso kami ni Rina sa room na tutuluyan namin. Nang makarating kami ay napansin kong huminga ng maluwag si Rina.

"Young-miss, buti nalang wala tayong nakasalubong na kahit sino." Nakangiting saad sa akin ni Rina kaya mahina akong natawa. Base kasi sa kaalaman namin dalawa ni Rina ay hindi ganon ka-approachable ang mga nobles dito sa Vandin City.

"Matutulog lang ako saglit, kung inaantok ka ay pwede ka rin matulog. Siguradong kakatukin naman tayo ni Brother Laikon mamaya."

Dumiretso ako sa kama matapos kong magsalita. Inalis ko ang suot kong heels at nahiga na ako sa kama. Mabilis akong nakatulog dahil hindi rin maayos ang tulog ko habang kami ay nasa byahe.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong natutulog. Napakunot ang noo ko ng may maramdaman akong lumapat sa aking noo. Iminulat ko ang aking mata at agad akong napatitig sa mukha ng taong bumungad sa aking harapan.

I must still be dreaming right now. I see.

Napangiti ako bago ko inangat ang dalawa kong braso at ipinulupot ko iyon sa batok ng taong nakatitig pa rin sa akin.

"Soran, I miss you."

Umayos ng upo si Soran at dahil nakapulupot ang aking braso sa kaniyang batok ay nadala ako sa paggalaw niya. Hindi ko binitawan si Soran at marahan niya akong inalalayan para makaupo ako ng maayos sa kaniyang hita.

Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Soran. I'm sure this is just a dream. Impossibleng nasa kwarto ko talaga ngayon si Soran at isa pa wala rin dito si Rina.

Sobrang gustong-gusto kong makita si Soran kaya siguro napapanaginipan ko siya ngayon.

"Sleepyhead, what should I call you?" Biglang saad ni Soran kaya mahina akong natawa.

Hindi agad ako nakasagot dahil ang laman ng isip ko ay ang kaniyang malalim na boses na sobrang attractive. Rinig na rinig ko iyon. I am sitting on his lap, so our distance is very close.

Napatingin ako sa labi ni Soran bago ako napatingin sa mahabang peklat na nasa mukha niya. Inangat ko ang aking kamay para hawakan iyon.

"Nevie, you should call me that from now on." Wala sa sariling saad ko habang ang buong atensyon ko ay nasa kaniyang mukha.

Nang maabot ng daliri ko ang peklat na nasa parte ng mata niya ay tsaka ko lang napansin kung anong pangalan ang sinabi ko.

Napakurap ako at ilalayo ko na sana ang kamay ko sa kaniyang mukha ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan ni Soran ang aking kamay at siya mismo ang naglapit non sa kaniyang mukha.

"Keep touching me. Don't stop."

Nang marinig ko ang sinabi ni Soran ay biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng muli kong marinig ang kaniyang attractive na malalim na boses. Sigurado akong namumula na rin ang mukha ko ngayon.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon