KABANATA 28

6.1K 399 141
                                    

Kabanata 28. 

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nevie died.

Halos mahirapan si Commander Garkin na kuhanin ang bangkay ng batang si Nevie sa batang si Soran. Hindi nito gustong ipahawak kahit kanino ang bangkay ng bata.

Walang nagawa si Commander Garkin kundi ang hintayin na kumalma si Soran. Ngunit halos abutin na ng gabi ay hindi pa rin binibitawan ni Soran ang katawan ni Nevie.

"Father, I think he's very sad. Nevie is his best friend."

Nalulungkot na tinitigan ni Rejie Garkin ang batang si Soran. Nakaupo lang ito sa damuhan at mukhang wala itong balak na tumayo o gumalaw.

Nakatitig lang si Soran sa maputlang mukha ni Nevie.

Napabuntong-hininga naman si Commander Garkin.

Nasa Eryan City pa rin sila. Kanina pang nakaalis si Grand Duke Saavin kasama ang anak nito na si Laikon at ang kanilang family knight warriors.

Nagpaiwan lamang sa Eryan City si Commander Garkin dahil sa batang si Soran. Kahit anong gawin niya ay hindi talaga sa kaniya nakikinig si Soran.

Kahit ng makarating ang kaniyang anak ay hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Soran.

"I don't want to force him but I have no choice. I already gave him enough time to embrace his best friend."

Naglakad palapit si Commander Garkin kay Soran.

"Rejie, grab Soran's arms."

"Yes, father."

Nang makalapit si Rejie sa batang si Soran ay agad niyang hinawakan ang kamay braso nito.

"Let me go!" mariin na saad ni Soran at masama niyang tiningnan ang mag-ama sa harapan niya.

Sapilitan naman na kinuha ni Commander Garkin ang bangkay ni Nevie mula kay Soran.

"Let me go! Give her back to me!"

Pilit na nagpupumiglas ang batang si Soran mula sa hawak ni Rejie Garkin.

Inabot naman ni Commander Garkin ang bangkay ni Nevie sa isa sa kaniyang mga knight warriors.

"Don't let go of him Rejie."

Hindi pinansin ni Commander Garkin ang nagpupumiglas na bata. Pinilit naman na isinakay ni Rejie si Soran at sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang hampasin ang batok ni Soran para mawalan ito ng malay.

Sa kabilang carriage naman ay malakas na umiiyak si Jinjin. Nang malaman ng batang si Jinjin ang walang buhay na si Nevie ay agad siyang humagulhol ng malakas.

Gusto niya rin yakapin ang kaibigan niyang si Nevie ngunit hindi siya pinagbigyan ni Soran. Napilitan naman si Commander Garkin na pasakayin na si Jinjin sa carriage dahil sa napakalakas nitong pag-iyak.

"Nevie! Bakit mo ako iniwan! Sabi mo tuturuan mo akong magbasa at magsulat! Akala ko ba magpapatayo tayo ng information guild kapag lumaki na tayo!"

Malakas na humagulhol si Jinjin habang inaalala niya lahat ng kaniyang memorya kasama ang kaniyang kaibigan na si Nevie.

"Bakit hindi kasi siya tumakbo," mahinang saad naman ni Maera. Nakaupo ito sa harapan ni Jinjin.

Kahit mahina ang boses ng batang si Maera ay narinig pa rin iyong ni Jinjin.

Pinunasan ni Jinjin ang kaniyang luha sa pisnge bago niya masamang tiningnan ang batang si Maera sa kaniyang harapan.

"Pinatay mo si Nevie!" malakas na singhal ni Jinjin kay Maera.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon