KABANATA 48

6.9K 403 59
                                    

Kabanata 48.

Inilibot ko ang aking paningin sa malaking bedroom ni Soran. The atmosphere here is very similar to his aura. Lalo na ang color combination na black and gray.

Naglakad-lakad pa ako para tingnan ang bawat sulok ng kaniyang bedroom. Natigilan lang ako ng mapansin ko ang isang malaking larawan ng binatang lalaki. Hindi iyon nakasabit. Nakalagay lang iyon sa may tabi ng isang cabinet.

Naupo ako para mas malinaw kong matingnan iyon. Ang binatang nasa larawan ay si Soran. Sa tingin ko ay nasa 15-17 years old palang siya nito. Sa mukha niya ay makikita ang malaking hiwa na para bang sariwa palang iyon.

Napatitig ako. Hindi ako makapaniwala na si Soran talaga ang nasa larawan.

There's no emotion in his eyes. His eyes looks lifeless and there's no expression on his face. Bukod don ay kaagaw-agaw pansin din ang mahabang sugat sa kaniyang mukha. Medyo malaki iyon kumpara sa peklat na meron si Soran ngayon.

"That's me when I was 16 years old."

Napalingon ako kay Soran nang bigla siyang magsalita sa tabihan ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya diyan o hindi.

Bumuntong-hininga ako. 

"What happened to your face?" tanong ko sa kaniya.

Inangat ko ang aking kamay at hinawakan ko mukha ni Soran na nasa larawan. Hindi naman ako sinagot ni Soran.

"Don't do anything like this again." Seryoso kong saad kay Soran.

Tumayo ako bago ko hinarap si Soran.

"You should be thankful that you are born extremely handsome that even a scar like that can't depreciate your handsomeness." Nakangisi kong pahayag habang masama ang tingin ko sa kaniya.

"Yeah, I was foolish before."

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Lumapit sa akin si Soran at mahigpit niya akong niyakap.

"Don't leave me again, Nevie." Bulong sa akin ni Soran.

Humiwalay naman ako sa yakap namin dalawa at mabilis kong hinalikan ang labi ni Soran.

"I won't leave you again. You know, no one will call you Soran and no one will call me Nevie if I left you behind again."

Tumango sa akin si Soran bago niya ako hinalikan. Napatingkayad naman ako dahil sa tangkad niya. Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang batok at hinawakan ni Soran ang aking bewang. Agad kong naramdaman ang kaniyang malaking kamay sa aking bewang.

Napapikit ako ng palalimin ni Soran ang halik namin dalawa. Mas lalo naman nag-init ang mukha ko ng bigla akong buhatin ni Soran. Agad kong ipinulupot ang aking binti sa kaniyang bewang.

"W-why did you carry me?" Hinihingal na tanong ko kay Soran nang pakawalan niya ang labi ko.

"I can easily kiss you this way," sagot sa akin ni Soran bago niya muling inangkin ang aking labi.

Naramdaman kong naglakad si Soran habang hinahalikan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nang tumigil sa paglalakad si Soran ay dahan-dahan niya akong hiniga sa kama. Nablanko naman ang aking utak ng bumaba ang halik ni Soran sa aking leeg.

"C-can't wait?" Nangangatal kong tanong kay Soran.

"Yes," paos ang boses na sagot niya sa akin.

Mas lalong nag-init ang buo kong mukha nang marinig ko ang sagot niya. Hindi naman ako pumalag dahi wala na rin akong lakas na pumalag pa. Magiging-asawa ko rin naman si Soran kaya walang problema kung may gawin man kami na ginagawa lang ng mag-asawa.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon