KABANATA 40

7.4K 438 157
                                    

Kabanata 40.

Bago kami pumunta sa Mandian City ay nagtungo muna ako sa may Mt. Ihana kung saan matatagpuan ang puno ng wisteria. Nang makarating ako don ay hindi ko nakita si Soran. Alam ko rin na mababa ang posibilidad na makita ko ulit siya dito dahil ilang araw na noong nagkita kami.

Nang makarating kami sa Mandian City ay agad kaming nagtungo sa sinasabing lugar ni Rina.

"Rina, sigurado ka bang dito iyon matatagpuan?" tanong ko kay Rina ng makarating kami sa city plaza ng Mandian City.

Oddly enough, this place looks familiar to me. Pero sigurado akong hindi pa ako nakakapunta sa Mandian City kahit isang beses.

"Sigurado akong nandito lang ang building nila Young-miss," sagot sa akin ni Rina.

"Paano natin malalaman kung nasa tamang lugar tayo?" tanong kong mulia.

"Sinabi sa akin ng napagtanungan kong knight kung ano ang dapat sabihin kapag nakarating na tayo sa lugar na iyon, siguro nasa tamang lugar tayo kapag pinapasok nila tayo o pag-alam nila ang passcode."

Tumango nalang ako ng marinig ko ang sinabi ni Rina.

Nang may madaanan kaming fountain ay may nakita akong isang batang mapayat na nakaupo sa tabi nito. Mukha siyang namamalimos.

Nag-iwas ako ng tingin bago ako kumuha ng pera sa pouch na dala ko.

"Saglit lang," usal ko kay Rina at Fline.

Lumapit ako sa batang nakaupo sa tabi ng fountain. Nang makalapit ako ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Ngumiti ako bago ako naupo sa harap niya. Inabot ko ang kamay ng bata. Hindi naman siya umiwas.

Inilagay ko ang hawak kong ilang silver coins sa kaniyang maliit na kamay.

"Itago mo 'to at bumili ka ng pagkain mo. Huwag mong ibibigay kahit kanino. Kapag may umagaw sa'yo nito ay sipain mo at suntukin mo, tapos mabilis kang tumakbo." Nakangiti kong pahayag sa bata.

Hindi ko mawari kung babae ba siya o lalaki. Masyadong maikli ang buhok niya para sa isang babae at masyadong mahaba naman ang buhok niya para sa isang lalaki.

"Ate, anghel po ba kayo?" tanong niya sa akin.

Mahina akong tumawa bago ko pinat ang kaniyang ulo.

"Ano sa tingin mo?" nakangiti kong tanong pabalik sa kaniya, "Mukha ba akong anghel?"

Mabilis na tumango ang bata sa harapan ko kaya mas lalong akong napangiti.

"Dahil ba maganda ako?" Nakangisi kong saad.

Muli siyang tumango ng mabilis.

"Opo, bukod don, hindi po ako sigurado pero sa lahat po ng taong nakita ko kayo lang po ang may puting bagay sa loob ng katawan niyo, lahat po sila ay pare-pareho ng kulay."

Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ko ang sinabi ng bata sa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy niya kaya ngumiti na lamang ako.

"Mag-ingat ka palagi," saad ko na lamang bago ako tumayo.

"Wala na akong pera, parang gusto ko na rin manglimos," pahayag ni Fline ng makalapit ako sa kanila.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapairap nang marinig ko ang sinabi niya. Sino ba kasing may sabi sa kaniya na dapat siyang maglayas dahil nasa kaniya ang kwintas na hinahanap ngayon ni Grand Duke Kerzan. Kung sa simula palang ay binalik na niya iyon ay wala sana siyang problema ngayon.

The Angel's Predestined LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon